22.4.08
Pre-enlistment Experience

Okay, so nagising ako ng 8:30. Thanks to Mia's text. 'Di kasi nagring ang alarm ng cellphone ko or baka hindi ko siya narinig. Hehehe. So noong tignan ko, ayaw pa rin. So tulog ulit. Paggising ko, ayos na ulit siyaaaa. So the pre-enlistment began.

Ayun. Pinili ko nang GE under AH is Geog1 under Sir Saguin. Marami akong nakitang nagrerecommend sa kanya kasi nagpapaulan daw ng uno at saka okay daw sa class niya.

Sumunod eh ang GE under SSP. I chose Pan Pil 12. So far, iyon pa lang ang nakikita ko na medyo okay. Ayos naman akong magbasa ng mga akdang gawa ng mga Pilipino. At saka mas sanay akong mangilatis ng akda kapag nasa Tagalog. At may isang nagrecommend sa akin na si Sir Naval daw. So, gladly, ayos iyong sked ng class niya sa over-all sked ko.

At.. sa PE. Walking for Fitness. Natatawa ka ba? Kung natatawa ka, ito ang rason ko. Sawa na kasi ako sa sports eh. At saka, trip ko ang maglakad ngayon. 'Di ko alam pero ito ang napapagtripan kong gawin. Hahaha. Dapat table tennis ang kukunin kong PE kaso lang baka naman super basic na siya at mabobore lang ako. Tapos iyong ibang sport. Baka 'di kayanin ng stamina ko so itong Walking for Fitness na ang pinili ko since lakad ka lang ng lakad. Sa prof naman. Di ko sure kung ayos siya basta 'wag lang daw si Ma'am Caces. Sabi ng ibang UP students, nagpapaulan daw siya ng singko. Milagro na lang daw kung maka-dos ka sa kanya.

Tapos sa sked ng aking block [M-5] puro hapon ang sked. Ayos na ako roon kasi taong hapon naman ako. Maraming nagpre-enlist sa kabilang block [M-6] siguro ay dahil na rin sa maaga ang sked nila. Umaga ang Math17 sa kanila samantalang hapon naman ang sa amin. Ayos sana ang sked sa M-6 kaso lang may-5:30 at nangangamba ako na baka magextend si Prof at gabihin ako. At least sa M-5 hanggang 5:15 lang ako. Mabuti na ito para sa akin.

Hindi pa naman natin alam kung saang UP campus talaga ako mapapadpad. Kung UP Manila, magkakasama kayo ng blockmates mo 'til the end. Sa UP Diliman naman, majors lang kayo magkakasama. Pagdating sa GEs at PEs, kanya-kanya na kayo.

Ako pa rin ay umaasa na sa UP Manila ako dalhin ng kapalaran. Hindi dahil sa naroon ang karamihan ng aking mga kakilala. Ito ay dahil sa naroon ang gusto kong kurso. Sabi nila ang kursong ito ay literal na luluha ka ng dugo dahil sa napakaraming Chemistry, Physics, at Math subjects. At.. ito RAW ang pangalawa sa pinakamahirap na kursong inooffer ng UPM. Ang una'y ang Intarmed na kung saan piling passers ng UPCAT lang ang nakakapasok. Alam ko namang hindi ganoon kataasan ang gradong nakuha ko sa Physics sa aking ika-apat na taon sa HS pero kung sakaling dito ako sa kursong ito mapadpad... bahala na si Kismet. joke. Hahaha. Sana nama'y magbago na ang grado ko..

Oo nga pala. Sabi nila.. pwede ka raw magkaroon ng latin honors kahit na may INC ka, may 5 ka sa classcard 'wag na 'wag ka lang daw magda-drop ng units. Tama kaya ito? Hmmm....

Mahaba na pala ito. Hahaha. Wala kasing magawa eh. Sige.. comment naman kayo kapag nabasa niyo.. Maawa na kayoo.. Hahaha.

10:26:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~