21.7.08
UP Survey

at dahil ako'y bored [at di pa rin nagawa ng assignments] at nalulungkot dahil babalik nanaman ako sa Manila, nakita ko ang bulletin ni Pot-pot at ito'y hinablot ng walang paalam.

1. Ano ang student number mo? Gusto mo ba ito?

- 2008-68905
- Gusto ko siyempre. Hahaha. Summer pa nga lang memorize ko na eh!


2. Magbigay ka ng tatlong course sa UP Diliman na hindi mo talaga alam kung ano ang pinag-aaralan nila. Pwedeng magbigay ng rason kung bakit.

- Speech Communication. Sa akin kasi parang synonymous sila ng Mass Comm so anong pinagkaiba?
- Clothing Technology. Puro tela lang ba talaga sila?
- Molecular Biology and Biotechnology. Basta, di ko talaga alam kung anong pinag-aaralan nila. Ang alam ko lang eh mahirap na course ito!


3. Meron ka bang araw na wala kang break? Anung technique ang ginagawa mo para makakain ka?

- WALA.


4. Alam mo ba kung saan ang Teletubby Land? [Yung totoo, bawal bumase sa pinagkuhanan ng survey na ito]

- Yap. Iyong shortcut from CS to MB. ^^


5. Nakakita ka na ba ng nagpi-PDA? Sa AS? As in sa AS Entrance? In Broad Daylight? In front of many people? Ikaw ba yung gumagawa nun?

- Wala pa naman so far.. hahaha.

6. Naranasan mo na bang dumaan sa Beta Way? Kahit madilim na?

- Yep. Noong Eng'g Week ba iyon? Basta may araw pa. Ayoko kayang dumaan pag gabi doon. XD.

7. Alam mo ba na may 4th Floor ang FC?

- Kakaalam ko lang nito noong Wednesday? or Friday?

8. Within the UP Campus, ano na ang pinakamalayo mong nalakad?

- From Vinzons to Gym via Magsaysay St./Ave. Lintek na Centennial Celebration!


9. Meal?

- o.O

10. Sa tingin mo, bakit concealed ang profs sa Math?

- Uhh. Para hindi makapili ang students kung sino ang madaling prof para hindi dumugin. ^^

11. Nakakuha ka na ba ng Math prof na out-of-this-world?

- HENCE?! hahaha. Out-of-this-world ang hirap ng tests niya!


12. Natatakot ka ba sa tumutunog na kuryente sa tabi ng EEE building?

- Hindi naman bagkus natutuwa pa ako! Hahaha. CHHIIDDDOOORRRIII!!!

13. Ilang individual libraries na ang napuntahan mo within Up Diliman? Isa-isahin.

- CS at saka MainLib pa lang. Onti noh?

14. Nakanood ka na ba ng Oblation Run? At namukhaan na isa doon ay kaklase mo?

- Hindi nga eh noong Centennial. Hahaha.

15. Nakakita ka na ba ng Atenean na nakatambay sa UP Campus? At naki-sit in sa klase niyo?

- Sa sakayan ng jeep sa may FC meron. Tapos sa SC mga Lasallite.

16. Nakakita ka na ba ng artista na nag-aaral sa UP? Saan?

- Hindi pa naman.. ata...

17. Sa tingin mo, ano ang pinakamahirap na subject sa UP?

- Anything related to Math and Physics. T_T


18. Alam mo ba na tumutunog ang Carillon?

- Oo at habang papunta ako sa Univ. Theater for FWA, tumutunog ang carillon. Sosyal!! Parang piano. ^^

19. Nakapasok ka na ba sa College of Music? Kwento mo naman.

- Hindi pa naman.

20. Nagpapic ka na kay Oble? Kung oo, confident ka ba na gagraduate ka?

- Hindi pa. After grad na lang para sure. Hahaha.

21. May College Shirt ka ba? Anu design?

- Wala pa. T_T


22. Naranasan mo na bang mag 1vs100 sa CRS?

- 2nd sem probably!


23. Naglalaro ka ba ng Guess the Course/Spot that Freshie kapag wala kang magawa habang tumatambay sa AS? Isinasabay mo ba ang Girl/Boy Hunting sa larong ito?

- Hindi pa naman. Next year siguro. Hahaha.


24. Nangungulekta ka ba ng Kule? Ano ang favorite section mo dito?

- Nope. Naiwan ko nga Kule ko habang nabili ng Urbana at Felisa na book sa FC. T_T

25. Sino ang pinakastriktong guard sa UP na nakilala mo? Yung hindi mo talaga matakasan na wala kang ID?

- Sa gym. At one encounter sa MB. Hahaha.


26. Nakukulangan ka pa ba sa ruta ng Ikot at Toki Jeep? Anung gusto mong ibahin sa ruta nito?

- Ako. Nakukulangan! Dapat dumaraan sila sa may Computer Center!! LOL.


27. Natatakot ka ba sa mga tingin ng mga nangangampanya tuwing Elections? Bakit?

- Let us see.

28. May bura ka na ba sa Form 5 mo? Anu yon?

- Muntikan lang. Hahaha.

29. Nagkaprof ka na ba na laging wala sa klase tapos tinadtad kayo ng make-up classes sa end ng sem? Sino?

- Wala pa naman.

30. Alam mo ba kung saan ginagawa ang Blue Book? Gusto mo bang magventure sa business na ito?

- Sa Ateneo! JOKE! LOL. Blue book business? NVM. Masyado nang talamak. Sa UPM siguro, pwede kung uniform ang style ng Blue book nila sa UPD. Iisa lang ata ang pinagbibilhan ng Blue book doon eh. XD.

11:31:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~