29.4.07
DLSU CCS Summer Camp 2007 Day 01

~ haba ng title.. hehe.. well.. start muna ako sa day 1.. hirap kasing ikwento sa isang post lang eh.. ~

umalis ako ng bahay ng mga 5:30 ng umaga. wai! inabutan kami ng traffic sa may harap ng justineville (tama ba spelling?). after one hour nakalabas na kami ng cavite. grabe talaga ang traffic. hindi ko naalala na monday pala iyon. tsk.

nakarating ako ng la salle manila ng mga 7 am. sakto! nakaabang si bianca at saka si ate eva sa labas. sabay kaming nag-register ni binx. number 35 siya ako naman number 36. tapos pumasok na kami. naghintay kami ng mga 20 minutes bago dumating sina kaye. kasabay kasi niya sina andre, kevin, at neil. tapos tinawag iyong number namin. akala ko kung ano iyon pala pictorial for the yearbook. hehe. tapos hinahanap na kami ng mga facis (facilitators) namin para ibigay iyong mga ID namin (photo paper + laminated = naks!). nakita ko na rin sa wakas si kuya darwin! hehe! sa green team ako napunta. kadugtong na ata ng buhay ko ang kulay green. hehe.

mga 8 something noong magmeet na kami ng mga teammates ko (russell, lou, krizia, edward, kristoffer, misaki, angella, mark, brian) pati na rin iyong facis namin na sina kuya darwin at ate carla. pumunta kami sa ISR (kalimutan ko na kung ano iyong ibig sabihin ng acronym. =p). ayon. orientation tapos team building. team building namin is Amazing Race! (hindi ako asa kaye. ako'y isang manghuhula. lol.)
carms (4/22/2007 7:11:10 PM): amazing race cguro papagawa sa atin.. lol
kaye2 (4/22/2007 7:11:17 PM): asa ka naman
ayon. merge kami ng orange team. daming tasks. daming pinupuntahan. dami. dami. parang tour sa la salle manila.. hehe.

kumain kami ng tanghalian sa La Casita sa may malapit sa swimming pool. hehe. tapos after nun pumunta na kami sa 4th floor (kalimutan ko na iyong number eh) para sa aming Java Programming Lecture Part 1. hehe. nakakaloka. nakakashock. iba na kasi iyong interface kaysa sa VB. basta iyon. mahirap.

tapos mga 5 na kami natapos. tapos sinundo ako ni papa, ni sarge kasama nung sundalo niya. tapos noon. pahinga muna ako sa quarters ni papa tapos kumain kami ng hapunan sa causeway sa C-5.
that's it for now. bukas or later. basta ipopost ko iyong iba sa mga susunod na araw.

+ iyong quarters ni papa ay sa camp aguinaldo. walang internet. kaya 1 week akong hindi nakapag-internet+
+ interesting ang adventure ko sa day 2. hehe +
+ si bianca sa yellow team, si andre at neil sa pink team, si jerick sa black team, si muryelle sa orange team, si kaye sa grey team +
+ thank you nga pala kay sir edlourd for this wonderful opportunity. sana nababasa niya noh? +

Labels:

1:25:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


7.4.07
Holy Week part 2

- continuation -

April 2:
mga 5 am kami nakarating sa manila. sa wakas! hehe. mga 7 am na kami nakarating sa bahay kasi naabutan kami ng counterflow sa may talaba. wa!

pahinga ng konti tapos pumunta na ako ng mga 10:30 sa school para mag-enroll at kuhanin ang aking report card. kinakabahan ako noon kasi hindi ko alam ang resulta. noong nasa school na kami. nakita ko si sir denzel sabay tanong kung saan ko pwedeng kunin report card ko kasi nga hindi ko nakuha ng march 30. ayun doon kami sa office ni ms. larcy pumunta para kunin iyong card ko. saktong si ms. diane iyong nandoon kaya alam na agad kung anong kailangan ko. hehe. ayun kinuha card tapos may yellow card sa ibabaw at white card sa ilalim. kanino kaya iyong yellow? malamang hindi akin iyon. unang binigay report card. siyempre ayoko munang buklatin dahil baka magulat ako. lol. tapos kinuha na iyong "card" sa supot. laking gulat ko nang *drum roll* sabihin ni ms. diane na "sa susunod green card na ah." yellow iyong kinuha sa supot! woah! haha! laking tuwa ko! nakawala na rin sa puti! lol. basta tuwang-tuwa ako that time. basta hirap iexplain. pagkatapos noon nag-enroll na ako. tapos uwi sa bahay.

kinatanghalian, pumunta na kami sa MOA kasi iyong pinsan kong galing usa nagpapasamang magshopping. hehe. grabe shopping worth ilang thousands iyon ah. grabe!

kinagabihan sa waterfront hotel previously known as manila pavilion kami pumunta kasi doon kami matutulog for 3 days. sosyal! hehe. ayun. masarap matulog kasi sa hotel. hehe.

April 3:
pumunta naman kami sa makati para maghanap ng gown ng pinsan ko para sa senior prom nila. iyong gusto niya puffy gown! wa! hirap maghanap. masakit sa paa ang maglakad ng maglakad for hours as in from 1 pm to 7 pm lakad lang kami ng lakad. from glorietta to landmark tapos babalik pupunta ng sm babalik. hai. pabalik-balik. hehe. buti na lang by 6:30 pm nakapili na ng gown. hai salamat.

tapos ngayon pumunta kami ng MOA kasi doon kami kakain tapos manonood ng Teenage Mutant Ninja Turtles. hehe. maganda naman siya especially iyong animation. hehe. tapos mga 11 pm na kami nakabalik sa hotel.

April 4:
mga 8:30 kami umalis sa hotel para kunin iyong gown sa cinderella sa glorietta. masyado kaming maaga dumating kaya kumain muna kami sa heaven 'n eggs ata un. grabe ansarap ng waffle nila roon! pati iyong mga syrup! matamis! after noon, kinuha na namin iyong gown then umuwi na kami sa hotel.

mga 12.15 pm nagcheck-out na kami sa hotel. umuwi sa bahay. tapos pahinga ng konti at pumunta na kami by commute sa island cove para magcheck-in (daming hotel noh?). ayun, mga hapon na kasama ko iyong tito ko at pinsan ko na kumain sa may harap ng hotel. basta masarap pagkain doon! hehe.

April 5:
ayon. breakfast namin buffet. sarap ng pagkain. basta masarap. tapos mga 9 am pumunta kami sa fishing village para magfishing. ang saya! grabe! marami akong nahuli. noong una kasi feeds ang pain namin tapos natuklasan namin na dapat hipon pala para maatract ang mga isda. marami kaming nahuling lapu-lapu. hehe. basta nakakatuwa siya super!

mga 1 pm nagcheck-out na kami at umuwi sa bahay. sa wakas nasa bahay na rin! hehe.

April 6:
uuwi na iyong tito ko at pinsan ko sa las vegas. ambilis ng araw grabe. hinatid namin sila sa airport by 1:20 pm. tapos nakauwi kami ng mga 3 pm. saglit lang kami sa airport noon. hehe.

- imbes na fasting nangyayari rito sa bahay. FEASTING ang nangyayari. -
- kung mahilig kayo sa jollibee sana sumama ka sa amin sa hotel. mula breakfast hanggang supper jollibee pagkain. -
- ayan tapos na! -
- currently working on a story. sana makapagproduce ako ng maganda. hehe. -

Labels:

6:43:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


6.4.07
Holy Week part 1

supposedly, this period is for meditation and FASTING. pero ang nangyayari rito sa bahay FEASTING. let's us start.

March 27:
maaga akong gumising dahil pupunta kami sa corregidor. yes at last! kaso lang wala na kaming philippine history. :(. sa college siguro baka magamit.

sumakay kami ng ferry papunta roon. akala ko nakakahilo pero nakakahilo talaga. ang gulo no? ayun. nung nandoon na kami. sakay sa shuttle tapos salita ng salita tour guide. baba rito for pictures. basta daming mga bahay at establishments ang nandun pa rin pero sira na as in malapit nang magiba. iyong barracks (tama ba spelling?) mile long pero 1/3 lang siya ng 1 mile. mile long tapos 1/3? ewan. basta. iyon iyong gusto kong makita kasi me mumu raw doon. wala naman. basta ikot ulit. hirap iexplain dito eh. kontakin niyo na lang ako for further what? stories? hehe. kulit ko noh?

noong nasa pampang na kami. nadischarge iyong kotse and we had to wait like an hour and a half para mapalitan iyong nadiskargang baterya. ayon, nakauwi naman ng matiwasay pero wala. low batt lahat.

March 29:
napaaga ang gising dahil kailangan ko nang magtranslate. joke! dating kasi ng mga insan ko galing usa kasama tita ko. tapos iyon. punta kami ng robinson's at dumating kami ng mga 9:50. haha. ang aga. tapos pumunta kami ng tom's world. bumili kami ng tokens worth FIVE HUNDRED PESOS (rojane's accent.. joke!). huwaw! nalunod ako sa tokens noon! tapos iyon nagtry ako doon sa machine na kelangang mag-insert ng 2 tokens to get the chance na makuha ang stuff toy sa loob noon. ayun after kong magsayang ng mga almost 20 tokens. nakakuha ako ng pig at spongebob na stuff toy. basta. iyon na iyon.

kinagabihan, pumunta kami sa istasyon ng bus kasi pupunta kami sa cagayan valley (ang layo!). basta ayon. hirap ng biyahe. masakit sa leeg iyong upuan. naduduwal ako everytime na magtuturn sa kurbada iyong bus. anlakas at anlamig pa ng aircon! lang ya! basta iyong sinakyan namin Queen Long na Business Class na bus. me cr sa loob ng bus. hehe. basta after almost 12 hours, nakarating na kami sa probinsya.

March 30:
kuhaan ng report card NILA. siyempre hindi ako makakapunta kasi hello nandito ako sa probinsya at malayo ang cavite. hehe. walang YM dito sa probinsya kaya text ako ng text (sorry sa mga naabala ko. kilala niyo na kung sinu-sino kayo. sorry talaga). hehe. sabi ko noon buti makukuha na nila report card nila ako pinatatagal pa kalbaryo (kalbaryo ka dyan. hehe.)

kinahapunan, pumunta kami sa ilog para maligo. as in literal na maligo with matching shampoo at sabon.

March 31:
Nagpakain kami ng lunch sa mga tao roon kasi iba ang estado nila sa estado namin. kaming maykaya ay kailangan din namang tumulong sa mga nangangailangan. siyempre tumatanaw rin kami sa pinanggalingan namin. hehe.

maraming nangyari. pero ang pinakanakakatawang game eh iyong basagan ng itlog gamit ang saging. oy oy! alam ko iniisip niyo. hehe. basta nakakatawa iyon kasi iyong nanalo pair na parehong bakla. hehe. weird talaga iyong game na iyon.

April 1:
sa wakas uuwi na kami! yehey! mga 4 pm kami umalis sa bahay sa probinsya. tapos nakarating kami sa istasyon ng mga 5 pm. baku-bako pa dinaanan namin noon. grabe. matapok! dust kung dust. hehe.

simula nanaman ng kalbaryo sa bus. hehe. pero dinaan ko na lang sa tulog.

- wait niyo na lang iyong continuation. late ko na kasi itong ginawa. hehe -

Labels:

9:35:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~