29.4.07
DLSU CCS Summer Camp 2007 Day 01

~ haba ng title.. hehe.. well.. start muna ako sa day 1.. hirap kasing ikwento sa isang post lang eh.. ~

umalis ako ng bahay ng mga 5:30 ng umaga. wai! inabutan kami ng traffic sa may harap ng justineville (tama ba spelling?). after one hour nakalabas na kami ng cavite. grabe talaga ang traffic. hindi ko naalala na monday pala iyon. tsk.

nakarating ako ng la salle manila ng mga 7 am. sakto! nakaabang si bianca at saka si ate eva sa labas. sabay kaming nag-register ni binx. number 35 siya ako naman number 36. tapos pumasok na kami. naghintay kami ng mga 20 minutes bago dumating sina kaye. kasabay kasi niya sina andre, kevin, at neil. tapos tinawag iyong number namin. akala ko kung ano iyon pala pictorial for the yearbook. hehe. tapos hinahanap na kami ng mga facis (facilitators) namin para ibigay iyong mga ID namin (photo paper + laminated = naks!). nakita ko na rin sa wakas si kuya darwin! hehe! sa green team ako napunta. kadugtong na ata ng buhay ko ang kulay green. hehe.

mga 8 something noong magmeet na kami ng mga teammates ko (russell, lou, krizia, edward, kristoffer, misaki, angella, mark, brian) pati na rin iyong facis namin na sina kuya darwin at ate carla. pumunta kami sa ISR (kalimutan ko na kung ano iyong ibig sabihin ng acronym. =p). ayon. orientation tapos team building. team building namin is Amazing Race! (hindi ako asa kaye. ako'y isang manghuhula. lol.)
carms (4/22/2007 7:11:10 PM): amazing race cguro papagawa sa atin.. lol
kaye2 (4/22/2007 7:11:17 PM): asa ka naman
ayon. merge kami ng orange team. daming tasks. daming pinupuntahan. dami. dami. parang tour sa la salle manila.. hehe.

kumain kami ng tanghalian sa La Casita sa may malapit sa swimming pool. hehe. tapos after nun pumunta na kami sa 4th floor (kalimutan ko na iyong number eh) para sa aming Java Programming Lecture Part 1. hehe. nakakaloka. nakakashock. iba na kasi iyong interface kaysa sa VB. basta iyon. mahirap.

tapos mga 5 na kami natapos. tapos sinundo ako ni papa, ni sarge kasama nung sundalo niya. tapos noon. pahinga muna ako sa quarters ni papa tapos kumain kami ng hapunan sa causeway sa C-5.
that's it for now. bukas or later. basta ipopost ko iyong iba sa mga susunod na araw.

+ iyong quarters ni papa ay sa camp aguinaldo. walang internet. kaya 1 week akong hindi nakapag-internet+
+ interesting ang adventure ko sa day 2. hehe +
+ si bianca sa yellow team, si andre at neil sa pink team, si jerick sa black team, si muryelle sa orange team, si kaye sa grey team +
+ thank you nga pala kay sir edlourd for this wonderful opportunity. sana nababasa niya noh? +

Labels:

1:25:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~