6.4.07
Holy Week part 1

supposedly, this period is for meditation and FASTING. pero ang nangyayari rito sa bahay FEASTING. let's us start.

March 27:
maaga akong gumising dahil pupunta kami sa corregidor. yes at last! kaso lang wala na kaming philippine history. :(. sa college siguro baka magamit.

sumakay kami ng ferry papunta roon. akala ko nakakahilo pero nakakahilo talaga. ang gulo no? ayun. nung nandoon na kami. sakay sa shuttle tapos salita ng salita tour guide. baba rito for pictures. basta daming mga bahay at establishments ang nandun pa rin pero sira na as in malapit nang magiba. iyong barracks (tama ba spelling?) mile long pero 1/3 lang siya ng 1 mile. mile long tapos 1/3? ewan. basta. iyon iyong gusto kong makita kasi me mumu raw doon. wala naman. basta ikot ulit. hirap iexplain dito eh. kontakin niyo na lang ako for further what? stories? hehe. kulit ko noh?

noong nasa pampang na kami. nadischarge iyong kotse and we had to wait like an hour and a half para mapalitan iyong nadiskargang baterya. ayon, nakauwi naman ng matiwasay pero wala. low batt lahat.

March 29:
napaaga ang gising dahil kailangan ko nang magtranslate. joke! dating kasi ng mga insan ko galing usa kasama tita ko. tapos iyon. punta kami ng robinson's at dumating kami ng mga 9:50. haha. ang aga. tapos pumunta kami ng tom's world. bumili kami ng tokens worth FIVE HUNDRED PESOS (rojane's accent.. joke!). huwaw! nalunod ako sa tokens noon! tapos iyon nagtry ako doon sa machine na kelangang mag-insert ng 2 tokens to get the chance na makuha ang stuff toy sa loob noon. ayun after kong magsayang ng mga almost 20 tokens. nakakuha ako ng pig at spongebob na stuff toy. basta. iyon na iyon.

kinagabihan, pumunta kami sa istasyon ng bus kasi pupunta kami sa cagayan valley (ang layo!). basta ayon. hirap ng biyahe. masakit sa leeg iyong upuan. naduduwal ako everytime na magtuturn sa kurbada iyong bus. anlakas at anlamig pa ng aircon! lang ya! basta iyong sinakyan namin Queen Long na Business Class na bus. me cr sa loob ng bus. hehe. basta after almost 12 hours, nakarating na kami sa probinsya.

March 30:
kuhaan ng report card NILA. siyempre hindi ako makakapunta kasi hello nandito ako sa probinsya at malayo ang cavite. hehe. walang YM dito sa probinsya kaya text ako ng text (sorry sa mga naabala ko. kilala niyo na kung sinu-sino kayo. sorry talaga). hehe. sabi ko noon buti makukuha na nila report card nila ako pinatatagal pa kalbaryo (kalbaryo ka dyan. hehe.)

kinahapunan, pumunta kami sa ilog para maligo. as in literal na maligo with matching shampoo at sabon.

March 31:
Nagpakain kami ng lunch sa mga tao roon kasi iba ang estado nila sa estado namin. kaming maykaya ay kailangan din namang tumulong sa mga nangangailangan. siyempre tumatanaw rin kami sa pinanggalingan namin. hehe.

maraming nangyari. pero ang pinakanakakatawang game eh iyong basagan ng itlog gamit ang saging. oy oy! alam ko iniisip niyo. hehe. basta nakakatawa iyon kasi iyong nanalo pair na parehong bakla. hehe. weird talaga iyong game na iyon.

April 1:
sa wakas uuwi na kami! yehey! mga 4 pm kami umalis sa bahay sa probinsya. tapos nakarating kami sa istasyon ng mga 5 pm. baku-bako pa dinaanan namin noon. grabe. matapok! dust kung dust. hehe.

simula nanaman ng kalbaryo sa bus. hehe. pero dinaan ko na lang sa tulog.

- wait niyo na lang iyong continuation. late ko na kasi itong ginawa. hehe -

Labels:

9:35:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~