18.5.07
Carmela's Weirdness Scale

+ ganda ng title. lol. +
tagged by Mia

Carmela's Weirdness Scale from 1-6 (not in particular order)

1. madalas kong kausapin ang sarili ko at dahil dito malapit na akong dalhin sa mental. lol. dahil doon napagalitan ako ng nanay ko. parang ganito iyon (dialogue na lang para madali.)
(NOT THE ACTUAL DIALOGUE)
carms: nasaan na kaya iyong lapis ko?
mama: carms bakit hindi ka nag-popo?
see? haha.

2. pagkatinamaan na ako ng katamaran. talagang wala nang mangyayari. tatamarin na talaga ako. wala na akong gagawin at all pwera na lang kung may kinalaman sa academics. masakit sa ulo iyong kontrahin ang katamaran ah. hehe.

3. at a young age parang iyong memorya ko pang matanda na. iyong tipong mga ulyanin/may Alzheimer's disease. hehe. minsan nga pupunta ako sa isang place tapos pagandun na ako. magtataka na lang ako bigla kung bakit nandun ako.

4. ayokong tumawa ng iyong tawa talagang tawa iyong tipong wala nang katapusan iyong hagikgik mo. kasi more or less. few hours after. may sipon na ako which usually leads to allergic rhinitis. weird.

5. mabilis akong magutom! kaya lumolobo. tipong kakakain ko lang ng dinner. after 5 mins. kakain naman ako ng chips or whatever food na nasa bahay.

6. makalat ako pero alam ko kung saan-saan nakalagay ang mga things ko pero kapag maayos na ang lahat hindi ko na alam kung saan nakalagay iyong mga things ko. haha.

+ iyong title. bigla na lang pumasok sa isipan ko iyong Moh's Hardness Scale. haha.
+ posts for the summer camp. sorry inatake ng katamaran eh. before magpasukan. tapos ko na iyon. hehe.
+ wala na akong itatag. na-tag na ata eh.

Labels:

11:51:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


1.5.07
DLSU CCS Summer Camp 2007 Day 02

+ the adventure begins here. lol+

so morning. galing akong camp aguinaldo. hinatid ako ni papa sa istasyon ng MRT dahil ako po ay magcocommute. exciting! hehe. so punta ako sa kabilang side kasi south bound ako eh. so bili tiket. noong papasakay na ako sa first train na dumaan wala na akong space kasi siksikan as in sobra! so i boarded the second train na lang. grabe super siksikan sa loob. nawala lang iyong mga tao sa AYALA station. hehe. so noong nasa TAFT station lipat ako LRT. hehe. ayon. bili ng tiket. mali pa nga ako ng pinilahan eh. pagbigyan na kasi first time. hehe. ayon simula vito cruz hanggang dlsu nilakad ko. hehe. layo!

ayon nasa gokongwei na ako. hehe. siyempre punta muna sa mga friends tapos sa team kasi may "uniform" kami. wristband na cartolina na kulay green! hehe. resourceful kami eh.

well. mga ilang minuto pa kaming naghintay bago kami pumunta sa ISR (intellect seminar room?). naglaro kami ng taboo! team building activity! hehe. namiss kong maglaro nito. hehe. basta iyon. unfortunately, hindi kami nanalo. :(. hehe. pero nakakatuwa iyon Luke akala ko LOOK.. LUKE pala. hehe. star wars.

tapos pumunta na kami sa room sa 4th flr. basta. para sa aming WHOLE DAY java. hehe. basta whole day kami ng java. daming codes. iyon lang.

naglunch kami sa SEX (sinagag express.. utak nio). magsarap dito lalo na iyong tapsilog nila. tapsilog lang naman kasi iyong inorder ko. hehe. basta.

tapos. java nanaman. masakit na sa ulo pero ok lang. magagamit naman namin ito sa computer. hehe.

noong 5 pm na. uwian na. siyempre. walang susundo. commute ako pauwi. lakad nanaman simula dlsu hanggang istasyon ng vito cruz. hai. buti na lang sa LRT hindi siksikan. ang tanga ko kasi nga nasa TAFT na iyong linya ng LRT sabi ko pa sa babae "TAFT po." lol. haha! ayon lipat sa MRT. noong bumili ako ng card papuntang Santolan. wah! black and white. hindi ko nakita. hindi ko alam kung papano iinsert. ayan tuloy nastuck ako dun sa pagiinsertan ng card (iyong lane hindi sa machine). hehe. balik ulit ako doon sa pinagbilhan ko tapos tinanong kung paano iinsert. ayun! gumana na! pagbaba ko ng istasyon saktong may tren! pasok kaagad ako. ayun may upuan! yehey! nakaupo ako hanggang sa istasyon ng Santolan.

pagbaba ng istasyon. ayun nilakad ko simula sa istasyon hanggang gate 3 ng camp aguinaldo. layo nun ha! mga 500 mtrs siguro. hehe. tapos doon ako sinundo ng tatay ko. punta muna sa quarters niya tapos sa office niya. doon ako nakapag-laptop at internet at ym kahit saglit lang. hehe.

tapos pumunta kami sa gateway kasi bibili ako ng t-shirt para sa uniform the next day. hehe. hindi ko alam noon na nandun din iyong tito at tita ko. hehe. kaso lang hindi kami nagkita. hehe. ayun kumain kami sa kfc sa food court. first time ko sa gateway. hehe.

ayon.. first time kong maagang matulog. homesick pa rin ako pero ok na kasi alam ko na next day sa hotel na ako matutulog. hehe.

+ sori kung natagalan. inatake ng katamaran. hehe

Labels:

9:41:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~