24.5.08
Sabaw? Hindi pa.

bakit ganyan ang blog title mo? iyan siguro ang unang tanong na nasa utak mo ngayon. papangunahan na kita. walang kinalaman sa SABAW ang blog post ko ngayon. ito'y may kinalaman sa kung anu-anong bagay na trip ko lang i-share. hahaha.

o sige simulan na natin.

UNA:

gigising pa ako ng maaga MAMAYA [12:10AM on my watch] para pumunta sa Megamall upang bumili ng mga gamit para sa aking kwarto at ang super delayed nang graduation gift sa akin ng aking mga magulang, ang laptop.

PANGALAWA

hindi pa ako nakakapagdecide kung anong laptop ang bibilhin. aaminin ko, brand conscious ako. pero hindi lang brand ang habol ko ngayon, pati na rin ang specs. hahaha. ito na yata ang mentality ko ngayon: the more expensive, the better [it doesn't apply naman everytime]

PANGATLO

share your blessings! wala nang pagsidlan sa aking puso ang tuwa dahil sa safe si Robi ngayong eviction. although ayoko talagang ma-evict si Rona, she has to. why? mas lamang sa akin si Robi BUT Rona deserves also to stay in the house kaso lang circumstances weren't in her favor and mine or ours too! ito na yata ang pinakamaling set of nominees in the entire PBB run.

PANG-APAT

'di ko pa rin alam kung kailan ako lilipat. hahahaha. with two weeks to go before classes wala pa ring date kung kailan ako lilipat. maybe June 9. A DAY BEFORE THE FIRST DAY OF CLASSES. hahaha.

PANLIMA

the fastest way from NIGS to AS is WALKING. imagine mo. TTh akong naglalakad ng metro metro sa umaga. hahaha. mukhang papayat ata ako rito. magmumukha pa akong zombie. hay naku.

PANG-ANIM

inaantok na ako.. MEDYO.. malapit na akong lumutang ulit. hahaha. kaya tatapusin ko na ito.

8:18:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~