25.8.08
The Summation of Micro Null Set

wala lang akong mailagay na title. di ko naeexperience iyang bagay na iyan ngayon. siguro iyong iba oo. teka. ano ba iyong 'summation of micro null set'?. simply put.. EMO. E = summation. M = iyong symbol ng micro. O = null set. isipin niyo iyong mga symbols nila.. basta iyon na iyon!

anyway, balik na ako sa aking normal appetite since friday. salamat kay quix sa kanyang magandang balita at kay ate wambui. THERE'S STILL A CHANCE. aim for uno pa rin kahit na SOBRANG LABO. LOL.

at iyon.. ayaw ko namang maging DREAM STEALER ang Math17 ko so sana mahalin na ako ng numbers diba?! HAHAHA.

ayon lang.. HAHAHA.

inaantay ko pa sina mama kasi sila ang maghahatid sa akin sa manila. T_T. wala kasi iyong laging nagsusundo sa akin kaya ganon. tiyak, commute ever nanaman bukas! LOL. HAHAHA.
ayon.. XD.

1:21:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


20.8.08
Suspension of Classes

elementary and HS = 'yes! suspended!' sabay cheer ng 'suspended! suspended!'

college - 'suspended ba?' 'oo raw eh' 'ahh..' 'naku patay nanaman sa commute nito!!'

diba mas masarap na suspended ang classes sa college kasi walang klase na malupet? pero sa akin hindi. i'll state the reasons WHY.

1. walang school bus na ready na ready na susundo sa iyo from school. dati mag-aantay ka lang kina kuya or ate, mom or dad na sunduin ka from school kasi suspended. ngayon iba na! kanya-kanyang alis iyan. pahirapan pa sa pagsakay sa jeep! kung dati sasabihin nila kuya 'oh second trip ka kasi puno'. ngayon walang ganoon. kahit gano ka kalapit or kalayo, depende pa rin sa availability ng jeepneys kung anong oras ka makakauwi or hindi. in short, una-unahan lang iyan!

2. kapag HS or elem ka, umulan lang ng kaunti, wala nang pasok. at saka malalaman mo na walang pasok kahit hindi ka pumasok sa school [that is kung school bus rider ka]. ngayon, kahit san ka man galing, ikaw mismo ang pupunta sa school para pumasok at malalaman mo na lang in the middle of the class na walang pasok for that day. [anyway, nangyayari rin naman iyong noong elem at HS pero mas mahirap pa rin ngayon. refer to number 1.]

3. kapag suspended ang classes noong HS at elem, masarap matulog afterwards. kahit ngayon naman eh, masarap matulog. PROBLEMA, marami ka pang gagawin. T_T. katulad na lang ng POST-LAB, DATA SHEET, at pag-aalala sa MIDTERMS mo.

4. isisingit ko na rin, speaking of MIDTERMS, kung noon sa BIOLOGY ko 35/100 ako.. ngayon iyong score na iyon, hindi ko matanggap. ang crap noh! ano nang nangyari sa optimism ko?! T_T

5. dahil SUSPENDED ang class ngayon, WALA LANG. gagawa pa ako ng post-lab at data sheet for CHEM16 lab. sana lang talaga walang pasok bukas.


KUNG MAGULO ITONG BLOG POST, ISISI SA POST-LAB. LOL.

Labels: , ,

5:22:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


18.8.08
UPCAT [A year ago] PAHABOL!

ayan.. nahalungkat ko rin iyong blog entry ko!! nasa blogger pala siya kaya hindi ko nakita. XD.

CHRISTINE ZARAH T. GARCIA. hindi na maikli iyong blog entry!! sorta na lang.. XD.

College of Architecture. August 4, 2007. Saturday. 6:30AM.

sabi nila liblib na lugar daw ang College of Architecture. Kinakabahan ako.

UPCAT is OVER!! haha..

3:30 -- Gumising para maghanda

4:15 -- Umalis ng bahay para pumunta sa UP

5:00 -- Nakarating sa Kolehiyo ng Arkitektura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Kyusi. Marami nang nakapila sa labas. Ako'y nagulat sa mga panahong iyon dahil marami nang tao.

6:15 -- Kami ay pinapasok na sa loob ng gusali. Napadpad ako sa Kwarto bilang Isandaan at anim (106).

7:00 -- Nagsimula na ang aming eksamin. Mahirap sapagkat nahahati sa Ingles, Agham, Matematika, at Pag-unawa sa Binasa ang aming mga sinagutan. Mabuti na lang at hindi "Punan ang mga blangko" ang eksamin, kung hindi ay malamang bagsak na ako.

11:15 -- Natapos na ang aming eksamin ngunit ako'y naghintay pa ng mahigit isa't kalahating oras para sa aking tatay.

1:30 -- Dumating na ang aking tatay at sinundo na ako.

Marami pang nangyari sa araw na iyon ngunit dito ko na tatapusin ang kwento ko dahil pagod na ang aking mga daliri sa pagpindot ang napipindot na kwadradong bagay sa aking harapan..

+ Tagalog muna tayo. Buwan ng Agosto. +

that was a YEAR ago.. ngayong nasa UP na ako.. malamang may subject na babagsak ako. XD. no more shotgun-ed answers. kailangang concise, coherent and.. ano nga ulit iyon? refresh me MATH17 'blockmates' LOL.

5:49:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


The Forever Dreadful Math17

ayon nga sa isang vandal sa MB.. 'Math 17 is just a phase, it too shall pass'. sana nga maka-pasa ako. nakooo..

kakatapos lang ng midterms noong sabado. at wala pa rin akong naipapasa na long exam. hayy.. forever na lang bang ganito?

alam niyo ba na hindi na ako makakain ng maayos dahil dito? feeling ko nga in the next few days magkakasakit na ako ng todo-todo eh. isang sign na rin ang unusual bowel movement. hindi ito pwedeng iclassify as LBM kasi wala naman akong sakit sa tiyan ngayon. sabi ni mama at ni kaye, stress lang daw ito which is TRUE naman. isa pang sign ay ang constant akong kinakabahan. sabi ni mama 'Commit yourself to the Lord' 'Malakas tayo sa Kanya'. ayaw ko na kasing maranasan na kinakabahan ng ganito. sabi nga sa Homily nung Sunday 'Fear not kasi nandyan lagi si God'.

hayy buhay... parang life. anyway, lapit na ang doomsday which is on wednesday.. goodluck na lang talaga sa akin. :D

i knew i did my human best and now i am leaving to God the rest! :D

siguro marami na akong utang sa Kanya kaya binibigyan niya ako ng mga pagsubok. test lang ito sa akin ni God. kaya ito! tira tira!!

anyway, ewan ko kung anong magic ang meron sa 4th year math notebook at iba pang paraphernalia at napagaan niya ang loob ko. kapag ito ang naging dahilan ng pagpasa ko pa sa iba ko pang mga exams, magkakaroon ako ng utang kay sir dennis. XD. hahaha.

QC day tomorrow pero gagawa na ako ng assignments bukas. may qualitative analysis pa! T_T.

1:53:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


15.8.08
UP Survey

Kinakabahan para sa Midterms sa Math17.. kapag bumagsak pa ako rito.. patay na!! nakooo.. T_T

hinablot sa blog ni yanna.

UP student ka ba?
- tinatanong pa ba iyan? XD.

Student number?
- 08-68905

Course? Major?
- BS Chemistry

Do you really like it there?
- okay naman.. T_T

Is this your first choice of campus?
- Nope.

Why or why not?
- kasi 'di ako natanggap sa UPM. ;P

San-san ka nag-apply na colleges/universities?
- UP, DLSU, UST, ADMU, CSB, MAPUA, DLSU-D. dame noh?

Dumadalaw ka pa ba sa UP or dadalaw ka pa ba khit grad ka na?
- oo naman..

The best thing about UP?
- hmm.. Academic Freedom. pwede mong piliin iyong mga subject na tingin mo madali. LOL. GE!!

Are you a member of any organizations or such?
- wala pa..

What do you miss or you're going to miss?
- SETON at HIGH SCHOOL.

Fave place mo don? Bakit yun?
- uhh.. san nga ba? sa may giant see-saw sa may MB. ;D

Fave day mo? Why?
- Friday. balik etivac na eee..

Fave building? Why?
- AS? ayoko sa MB. LOL.

Least fave building? Why?
- MB. maraming bad memories.. ngayon pa lang!!

Memorize mo ba yung UP Hymn?
- hinde. Seton Hymn memoryadong-memoryado pa!

Paborito mong prof?
- Sir Nadera. kalog eee. wag na si *toot*. LOL.

Bakit siya/sila?
- kalog nga eee.. at saka marami kang matutuhan.. gaya non <-- matutuhan dapat kasi wala namang matutunan. ^_^

Pinaka-ayaw mong prof?
- Math prof ko ngayon. nakoooo.. T_T

Bakit siya?
- hirap magpaexam! nosebleedd!! wala pa nga akong ipinapasa eh.. kung 60% ang paguusapan.

Naglalakad ka ba lagi?
- Hinde. tamad ako ee.

Madalas ka ba sa lib pag vacant mo?
- minsan

Sino chancellor sa UP?
- Sergio S. Cao.. full name.. namaaann..

Gusto mo ba ung Perspective?
- huh?

If you weren't in UP,nasaan ka?
- DE LA SALLE UNIVERSITY - MANILA.

Sa tingin mo malaki b ang maitutulong ng UP sayo?
- oo naman..

Nagchi-cheer ka ba ng go UP!!??
- basta 'di men's basketball. LOL.

Anong masasabi mo kay Oble?
- Siya ang tatay ni FPJ. XD.

Gano ka na katagal nagaaral sa UP?
- 2 months and 5 days.

Ano masasabi mo sa mga kaklase mo?
- very generous..

Eh sa classroom niyo?
- malay.. daming classrooms eh.

Anong floor classroom niyo?
- 3rd. 2nd. 1st.

San ka madalas kumakain?
- CASAA, Katag, MB.

Ano inoorder mo dun?
- depende sa mood.

Kumakain ka ba ng street food sa labas ng campus?
- oo. masarap iyong kwek-kwek dun sa labas ng vinzon's.

Eh anong college ang may pinakamagandang bldg?
- Bulwagang Tandang Sora. astig iyong labas eee..

Inggit ka naman?
- hinde.

May PE ka pa ba?
- oo.

Kung meron ano un?
- Duckpin Bowling.

Masaya ka naman ba sa pe mo?
- Super yes. Go team Beijing!! HAHAHA.

Bayad ka na ba sa tuition?
- Nung June 2 pa.

Bumili ka na ba ng UP jacket?
- kapag may pera na. XD.

May balak?
- yap.

Eh ung tshirts?
- yap.

May balak ka rin?
- meron na ako eh. baka maatras pa ako ng 1 sem/year kapag bumili ulit ako. LOL.

Nakapag papicture ka na ba k oble?
- hindi pa naman.

Ilang beses na?
- null set.

Bakit kaya madaming turista dumadayo sa campus natin?
- kasi #1 tayo sa Pinas? LOL.

Natry mo nabang dasalan mga rebulto sa UP?
- nope.

KABADO...

9:38:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


13.8.08
It all started on Friday the 13th

bongga ng title at english pa! hahaha. anyway. ganito kasi iyan.

July 13, 2007. I received a package from ABS-CBN, specifically HeroTV. Hindi ko talaga ineexpect na mananalo ako roon sa so called Naruto War Room event sa HTVF. I really wanted that pocketwatch pero sabi ko 'Wala naman akong swerte riyan. Mabuti na lang na 'wag na akong umasa'. I still participated in the game kahit na alam kong wala ring mangyayari. Came semi-finals na ata ng game na iyon. So every set ng laban may mananalo ng pocketwatch and necklaces. From elims to semis, 1 lang ang nanalo ng pocketwatch. So mas bumaba iyong pag-asa kong manalo. At ayon nga, expect the unexpected ika nga. I WON! Grabe talaga. Ilang minutes din akong nanginig noong mga panahon na iyon kasi nga hindi ako makapaniwala na nanalo ako. Tapos since may pasok at malayo ako sa ABS-CBN dahil nasa Cavite pa ako, I sent kuya g-dawg my address and contact number. At eksaktong JULY 13, 2007, a day after my birthday, nakuha ko iyong package. ZLL non at 3:30 ang uwi since may CAT [namiss ko iyon ahh. ZLL. XD]. Tapos pagkabukas ko ng gate sabi ni tito 'Carms may package rito. Galing daw ABS-CBN'. Ahh ayon na! So iyon.

NEXT!!!

July 13, 2008. Dalawa kasi ang best [di ba bawal iyan sa grammar? XD. not taking any english subjects.. waharhar] na gift ko for my birthday, iyong Olympus E-VOLT E-510 DSLR at ito ang pinakamalupit. A VIDEO GREETING FROM ROBI DOMINGO c/o KUYA JULIAN. namaaann.. iba na raw ang level ko sabi ni Kevin Basis [dami kasing Kevin sa mundo eee] pero hindi naman. So ayon, buong July 12 ko siyang hinintay. Wala. T_T. Came JULY 13, 2008, eh nasa Manila na ako non at WALANG INTERNET. May nagtext sa akin, si Kuya Celso yata or si Ate Rix na may vid na pinost si Kuya Julian sa multiply niya. So ako, gusto kong pumunta sa comshop. Problema, anlayooo ng comshop sa bahay!! Siguro mula FC hanggang CS or NIGS at for Setonians mula kanto ng Kostal hanggang gate ng mga school bus or mas malayo pa. Buti na lang nakisama si wifi at may nasagap! So iyon, nagmadali ako and thank God napanood ko siya at after non.. natigok na si internet. Galing ng pagkakataon noh?

Anyway, every July 13 may surprise sa akin ang mga taga-ABS-CBN. Next year kaya meron pa rin?

HAHAHA.

- Take note: May Math17 2nd half ng 2nd long exam pa ako later. Goodluck naman sa akin. I want to pass!!

9:58:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


9.8.08
Tagged by Ate Rix

at dahil antagal ng mga magulang ko from the airport gagawin ko muna ito..

RULE:

List ALL the names you were called by and the people/person who called you that. Tag at least 5 members of your contacts and give a comment on their site for them to know they've been tagged.

CARMELA - batchmates, classmates, teachers, friends at iyong iba pa. hahaha.

CARMS - friends, family members, blockmates, college classmates, PEx people, si ROBI [XD]. in short, ito na ang tawag sa akin ngayong college. HAHAHA.

MELA - si mia at saka si mark lang ang naaalala kong tumatawag nito sa akin.

MELAI - si patricia. yes naman. natatandaan ko.

CLAIRE - grade 1. kasi naman may kapangalan ako!

CARMIE - si ate aya.

CARMSIE - tawag sa akin ng mga trip tumawag sa akin na aso. sinu-sino nga ba ulit iyon?

PSST - kapag may ganyan sa window ng Y!M ko. kahit anong font pa yan. si kaye iyan. HAHAHA.

SEEDERS / SEEDERS21 - mga other forummate.

SEEDLERS - si ate candy.

at wala na akong maalala.

TAGGING: yanna, kaye s., mia, zarah, karlo.

3:42:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


4.8.08
UPCAT - A year ago

yes! eksaktong 1 year ago ngayon noong nag-take ako ng UPCAT. ambilis talaga ng oras. XD. at ngayon, i am LIVING THE DREAM [tae. andrama. HAHA].

teka. copy paste ko lang iyong blog ko a year ago tungkol sa aking UPCAT experience:

College of Architecture. August 4, 2007. Saturday. 6:30AM.

sabi nila liblib na lugar daw ang College of Architecture. Kinakabahan ako.

at iyan lang pala ang ipinost ko noon. LOL.

at come to think of it. hindi naman masyadong liblib ang Arki. mahirap lang puntahan since Toki lang ang dumaraan dito.

at puro at. LOL. anyway, noong pagkatapos kong magtake ng UPCAT. parang wala lang. parang diagnostic test lang na hindi recorded ang pakiramdam ko. ni 'di ko nga akalaing papasa ako rito eh kasi ang nasa utak ko lang noon ay... 'i have to pass the DLSUCET or else i'm doomed'. wa care ang lola niyo sa UPCAT noon. nag-matter lang siya noong mga December. HAHA.

eto ngayon, nag-aaral na ako sa UP. yehey!! at habang nakasakay ako sa jeep papuntang philcoa/ trinoma/ mrt at habang naglalakad mula FC hanggang NIGS, napapaisip pa rin ako kung taga-UP na nga ba talaga ako. feeling ko nananaginip ako ng gising. XD.

ah basta ganoon. HAHAHA.

anyway, produkto po ito ng halfway pa lang sa PS4 sa Chem16 lec at hindi magawa ang assignment sa Math17 este Math11 pero Math17 ang class. T_T

it is indeed true! MAHIRAP MAKAPASOK SA UP PERO MAS MAHIRAP ANG LUMABAS SA UP.

XP.

12:02:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~