4.8.08
UPCAT - A year ago

yes! eksaktong 1 year ago ngayon noong nag-take ako ng UPCAT. ambilis talaga ng oras. XD. at ngayon, i am LIVING THE DREAM [tae. andrama. HAHA].

teka. copy paste ko lang iyong blog ko a year ago tungkol sa aking UPCAT experience:

College of Architecture. August 4, 2007. Saturday. 6:30AM.

sabi nila liblib na lugar daw ang College of Architecture. Kinakabahan ako.

at iyan lang pala ang ipinost ko noon. LOL.

at come to think of it. hindi naman masyadong liblib ang Arki. mahirap lang puntahan since Toki lang ang dumaraan dito.

at puro at. LOL. anyway, noong pagkatapos kong magtake ng UPCAT. parang wala lang. parang diagnostic test lang na hindi recorded ang pakiramdam ko. ni 'di ko nga akalaing papasa ako rito eh kasi ang nasa utak ko lang noon ay... 'i have to pass the DLSUCET or else i'm doomed'. wa care ang lola niyo sa UPCAT noon. nag-matter lang siya noong mga December. HAHA.

eto ngayon, nag-aaral na ako sa UP. yehey!! at habang nakasakay ako sa jeep papuntang philcoa/ trinoma/ mrt at habang naglalakad mula FC hanggang NIGS, napapaisip pa rin ako kung taga-UP na nga ba talaga ako. feeling ko nananaginip ako ng gising. XD.

ah basta ganoon. HAHAHA.

anyway, produkto po ito ng halfway pa lang sa PS4 sa Chem16 lec at hindi magawa ang assignment sa Math17 este Math11 pero Math17 ang class. T_T

it is indeed true! MAHIRAP MAKAPASOK SA UP PERO MAS MAHIRAP ANG LUMABAS SA UP.

XP.

12:02:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~