29.12.08
Bored.

bored. di pa ako makatulog. hayy. salamat kay gemi para rito. ^_^

What was your status by Valentine's day of 2008?
IDK. Di ko na alam eh.

Did you have to go to the hospital?
Yes. Para magpa-x-ray.

Did you have any encounters with the police?
Yah. I think so but in a good way.

What did you purchase over $500?
DSLR.

Did you know anybody who got married?
Nah.

Did you know anybody who passed away?
Yap but not personally.

What sporting events did you attend?
Intrams. UAAP. KaSCIyahan.

What concerts/shows did you go to?
None?

Where do you live now?
Etivac pa rin.

Describe your birthday.
Just an ordinary day but the day AFTER my birthday was EXTRAORDINARY.

What's the one thing you thought you would never do but did?
To cut classes? I think.

Any new additions to your family?
Nah.

What was your best month?
July. I think.

Who was your best drinking buddy?
None.

Made new friends?
YES!

Any regrets?
At first I had [around June-July] but now.. I don't regret any of my decisions!

What do you want to change in 2009?
Tiny bits of errors done this 2008.

Overall, how would you rate this year?
Basis: Easy, Average, Hard, Very Hard. Mid Average and Hard.

Have any life changes in 2008?
Going to college. Having new friends. And many more.

Get a new job?
Nah.

How old did you turn this year?
Sixteen.

Did anything embarrassing?
TMTM.

Get married or divorced?
Nah.

Be honest - did you watch American Idol?
YEESS. Si Karie *wink* kasiii. XD.

Start a new hobby?
I guess.

Are you happy to see 2008 go?
Hindi masyado.

Drank Starbucks in 2008?
YES.

Been naughty or nice?
Naughty.

What are you wishing for in 2009?
Good grades! Good grades!

Done something you've regretted?
Yes..?

Lost someone?
I guess so.

Cut class?
YES!

Was involved in something you'll never forget?
Yep.

Cooked a gross meal?
Yah. I always cook a gross meal every year. XD.

Lost something important to you?
Nah..?

Got a gift you adore?
YES!!

Tripped over a coffee table?
Guess so.

Dyed your hair?
Yes pero cellophane lang.

Came close to losing your life?
Yap. Makipagpatintero ba sa mga kotse sa Katips dahil nag-jaywalk ako at sa Aguinaldo Hi-way sa mga naglalakihang 10-wheeler trucks. XD.

Went to a party?
Yes!

Read a great book?
Yep!

2008: FRIENDS AND ENEMIES

Did you meet any new friends this year?
Yes.

Did you dislike anyone?
Yes. [uyy. maiintriga. XD]

Did you grow apart from anyone?
Nah. I think.

Do you have any regrets when it comes to your friendships?
Nope. Experience din yan eh. At least next time alam mo na kung anong gagawin. :)

2008: YOUR BIRTHDAY

Did you have a cake?
YEP!

Did you get any presents?
YEP!

2008: ALL ABOUT YOU

Did you change at all this year?
Yes.

Did you change your style?
Yes.

Were you in school?
Yes.

Did you have a job?
Nah.

Did you drive?
YES! And I'm excited to get a license! Wohooo!!

Did anyone close to you give birth?
Nah.

Did you go on any vacations?
Yes!

Would you change anything about yourself now?
Yes! Kasi hanggang ngayon tamad pa rin ako. XD.

2008: WRAP UP

Was 2008 a good year?
Yep yep.

Do you think 2009 will top 2008?
I hope so.


- Realization: Feeling ko mas masaya ako ngayon kaysa noon. Although may mga "ganoong" situations pa rin mas iba ngayon kasi you feel at ease. I don't know pero iyon iyong nararamdaman ko this year.. last quarter.. sorta. Ibang happiness kasi ngayon eh. I can't explain eh. Pero iyong saya na walang sakit sa dibdib. Free na happiness. Ah basta. Hahaha.

Anyhoo. I'm happy na nakita ko ulit ang karamihan sa mga classmates ko noong 4th year! Yearly na ito ha! Hahaha. XD. See you when I see you!

^_^

HAPPY NEW YEAR!... in advance

5:55:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


27.12.08
Year Ender Post

So, ano bang nangyari this 2008?

May nagbago ba? May nawala ba? May nakuha ba?

Ngayon, ira-rundown ko kung anu-anong mga events ang mga naaalala ko this 2008.

Unahin na natin eh iyong huling Intramurals sa Seton. Aim namin ang mag-champion. And it happened. Super close fight talaga kami ng 3rd year. I can't remember the figures pero super close fight. :D. Although (quite) disappointing ang cheerdance (leave the issue alone. matagal na yan.), nasuklian naman siya sa table tennis. ^_^

Next ay iyong graduation. Nakakalungkot isipin nung mga panahon na iyon na ang huling pagkakataon na makikita ko na buo ang batch namin (heck may grad ball pa nga pala. XD) ('cause there's a high chance na kung may alumni homecoming man eh hindi mabubuo nang buong-buo ang batch). But I didn't cry kasi naman hindi pa naman end ng lahat iyon eh. We can still see each other again pero di na araw-araw. That's the only difference.

Grad Ball. Supposedly 'di talaga ako pupunta pero napilit ako ng mga magulang ko two weeks before ng grad ball. XD. Ayon, okay naman ang lahat noong gabing iyon. Para sa iba, perfect ang gabing iyon (not pertaining to myself).

Isasama ko na rin ang appeal for reconsideration na hindi YATA natanggap. Yata kasi hindi na ako tumawag nung last day. I decided kaagad na sa Diliman na ako mag-aaral. If it wasn't for that decision, di ko mararanasan iyong nararanasan ko sa Diliman ngayon. Tipong hirap ka pero enjoy pa rin. At ang walang pasok kapag Monday. XD.

Next eh iyong enrollment sa UPD. Doon ko naranasan ang mga nararanasan ng mga pipol sa POEA o sa Embassy o sa DFA. PILA. Super duper PILA. Advice sa mga susunod na Iska/Isko. Magdala ng twalya at pamaypay isama na rin ang payong kapag mag-eenroll. Don't worry. In ONE building lang naman ang halos lahat ng proseso sa enrollment. Sa college briefing lang iyong sa college the rest sa OUR na. Di gaya kapag second sem na. HAHAHA.

This year ko lang naranasan na sumuporta ng sobra sobra sa isang PBB contestant. Si Robi Domingo. Noong mga unang PBB seasons, isang text lang ako at tuwing big night lang iyon pero dahil sa ROBIlievers sa PEx, I was able to support to the fullest. As in bigayan ng e-pins galing sa mga taong di ko kakilala. Magkaroon ng load pamboto from other people. Ganun.

June 10, 2008. First day of classes sa UPD. Pumasok pa ako sa Geol11 class ko. HAHAHA. Free cut nga kasi may FWA. After ng FWA, block something something. M8 ang block ko. Masaya sa block na ito. As in MASAYA. Hahaha. Go party people!!

Magkaroon ng isang formal EB with ROBIlievers and the Domingo family. It was really really fun! First time kong makakita ng artista (na sikat. hahaha) face to face. At naakbayan pa ako. Waaaa!!! Ito na yata ang pinakamasayang EB na napuntahan ko.

At ang birthday present na di ko makakalimutan. Ang greeting ni Robi noong birthday ko! It was really a sweet sixteen for me. Salamat ulit kay Kuya Julian for making it happen!

Ang mga hirap at pasakit ng Math17 at Chem16. Tinest na ata nito ang lahat ng aspeto sa buhay ko. Physically. Emotionally. Mentally. Spiritually. Socially. Everythingally. XD. Pero at least WE pulled through these. Go Chemmates ang Mathmates!

Mag-field trip ng overnight sa malayong lugar! The field trip was really memorable and really fun! SOOOBBRAAA.

Ang enrollment sa SECOND SEM. Mahirap ang walang PE. Mahirap ang may kaunting sprain sa paa. DAHIL.. you have to go from one building to the other back again tapos dun ulit. T_T.

Ang makaranas ng PREROG. Dito kami ulit nagkita ni Yanna. Sa long line ng prerog. The next day pa ako nakakuha ng PE, which is Softball. Masaya naman siya eh. Nakakatuwa. Hehehe.

Marami pa akong memorable memories of 2008 pero di ko na idedetalye pa. Pero.. ang pinakahindi ko makakalimutan at matatatak sa utak ko ay ang....

Pagpasa ko sa Unibersidad ng Pilipinas.

Bakit?

Isang napaka-importanteng prebilihiyo ang makapasok sa unibersidad na ito. Ito iyong palaging sought after ng university. Kasi naman mura na at matututo ka talaga. Di ka lang magiging academically competitive pati sa ibang bagay. Di ka lang nila hino-hone bilang isang estudyante, hino-hone ka nila bilang isang mamamayan ng bansang ito (i'm not into rallies ha.), Sabi nga nila ang UP ay ang mikrokosmos (tama?) ng Pilipinas. You learn a lot from this university na feeling ko ay di mo makikita sa ibang unibersidad. At saka, may ACADEMIC FREEDOM dito. Actually freedom sa lahat eh. There are no boundaries in this university. No limits. At ang natutuHan ko rito is to reach beyond your limits. Walang madaling paraan diyan. You have to do it by yourself! Sabi nga ng isang Math prof, ang mga taga-UP ay itatapon na lang basta-basta sa dagat para matutong lumangoy. Walang tutulong sa iyo kundi sarili mo lang. Hindi lahat ibibigay sa iyo sa UP unlike sa high school na pwede papetiks-petiks lang dahil iniispoonfeed sa iyo ng mga teachers mo ang LAHAT. Ikaw na ang bahala sa sarili mo. FREEDOM AND INDEPENDENCE ang ilan sa mga natutuhan ko sa unibersidad na ito.


DONE with the EVENTS. Now let us go to PEOPLE.

Sinu-sino ba ang mga bagong tao sa buhay ko? Who are they? Hahaha. Let's name a few. Walang magagalit ha kapag di natawag. PM mo ako. Hahaha.


Zarah Garcia. M8 ka ba? Siya ang una kong nakilala sa UPD na blockmate ko. Ang ingay kasi niyan first day pa lang. Joke! Masayahin 'tong batang 'to. Extrovert. Sobrang friendly. Daming friends eh. Hahaha. Lab Partner ko siya noong first sem. Pareho kaming sabog. XD.

Rizi Guerrero. Noong una ko siyang nakilala, love life niya kaagad ang pambungad. Tama ba? Hahaha. Lakas ng trip niya lagi. Kapag kasama mo siya, di ka magiging serious. Lafftrip lagi eh. Hahaha.

Sharah Garcia. Ang nawawalang kapatid ni Zarah. LOL. Siya iyong mataba at may krasss (pagamit Jam) kay *toot*. Kidding aside. Matalino itong batang ito. SOBRANG TALINO. DOST scholar eh at mataas siya kay Sir Saddi (who made our Math17 a hellish experience), di pa ba uber talino non? Dibaaa..

Quix Doloso. Siya talaga ang first kong nakilala. Sa College Briefing pa lang. ^^. Tahimik siya pero may times na sabog din siya. Hehehe.

Bulette Camitan. Siya iyong pangatlong nakilala ko noong first day. Di ko rin akalain na classmate ko rin siya sa Pan Pil 12 noong first sem.

Jet Guerrero. Laging late. Kidding aside. Masayang kasama 'to. Lalo na kapag kasama niya ang pinsan (kuno) niyang si Rizi. Magaling mag-English at maganda ang tono. Nosebleed nga eh kapag nage-English na siya. Hahaha.

Potpot Estaquio. Matalino, mabait at masayahing bata siya. Madali lang siyang lapitan kapag may tanong ka sa isang subject. Very approachable. May times din na sabog siya. Remember iyong incident sa jeep na 'di ka ata nagbayad? Hehehe.

Ericho Fuentes. Very approachable at mabait. katulad ni Potpot. Siya ang lagi kong tinatanungan sa Chem. At dahil dun. Salamat.

Mark Fernandez. Sobrang vocal. Very vocal sa mga stuff. With re-enactment pa. He'll really make you laugh hard! Sayang nga lang at mukhang magsi-shift siya.

Other Chemmates. Party people ang mga yan. Kahit hirap na sa mga subjects, party pa rin. :))

Abby Espiritu. I didn't know na siya pala iyon!! Kwento: Nasa stage ako at nagpapakilala, when I sat down may kumalabit sa akin at sinabing "Ui. Kilala kita!!" So siya pala si Gayle. XD. Hahaha. We met sa Teentalk at nakita ko rin siya sa PEx. She knows Jam and Gemi. Small world isn't it?

Kevin Basis. Super fun kasama. Friend siya ni Zarah. Classmate ko siya sa Geog1. Galing niya sa mga flags. One mistake lang kami dahil sa kanya. :D

Meanne Binuya. Pareho kaming mahilig sa anime. Kaya kapag nagkikita kami puro anime ang pinag-uusapan namin.

Bio11 groupmates. Sobrang fun nila kasama! May sabog at sabaw moments pa kami! Hahaha.

Marami pa sila. At sobrang fun nila kasama. ^_^

Sa mga affiliations naman..

ROBIlievers. You made my cyber life great! Binigyan nila ako ng bagong cyber home. Kapag nasa thread ako, masaya ako. Kapag malungkot ako, I always go to the thread para maging masaya ako kasi stress reliever. Marami kasing masasayang tao rito. Although may mga times na may mga bad issues na kumakalat, we stayed strong. Marami pa rin kami. Kahit na marami kaming bashers, we didn't give up kasi alam namin na nasa tama kami at tamang tao ang sinusuportahan namin. Example talaga and someone to look up to.

Noong mga unang araw ko rito, I felt na I was home (andrama. XD). Kasi naman healthy ang mga conversations unlike sa ibang mga forums/threads na walang kwenta. Dito ako inabot noong summer ng madaling araw. Dito ko rin naranasan na magbigay ng number sa mga 'di ko kakilala at pagkatiwalaan ako ng mga hindi ko kilala.

And andito iyong mga tipo ng tao na mapagkakatiwalaan mo talaga, may good sense of humor, marunong makisama, at matatalino ang mga tao rito kaya healthy ang mga conversations.[kaya siguro maraming mga ipises sa bahay naten.]


So there you go. My year ender post. Happy New Year everyone!

PS: Please tell me if I'm missing anything/anyone.

12:48:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


22.12.08
Lucky Day Yesterday

Yah. It was my lucky day yesterday! Wahahahaha!!

BAKIT?

I shopped for new clothes. Pano ba naman kasi 2 pantalon at 2 jogging pants lang ang ginamit ko kapag pumapasok sa school (4 days. iyong PE. syempre jogging pants pero kasama na sya dun sa dalawa). Sobrang poor. Kaya sabi ko kay Mama na bigyan na lang ako ng money para bumili ng damit.

So, may anim akong bagong pantalon at tatlong shirts. Hahahaha. Yeesss!!

'Di lang yon. Ang pinakamagandang nangyari kahapon ay nakabili ako ng HARDBOUND na Biology ni Campbell (3rd edition nga lang) for only 550 pesos! Tapos iyong cd na kasama niya na-download ko na sa net. So sabihin nating close to a thousand lang ang ginastos ko for my biology book! HAHAHAHA.

Nga pala, nag-iisa na lang siya doon sa may book for less thingy sa may malapit sa Mang Inasal sa Rob Imus. ;)

Anyhoo. Tomorrow na iyong flight ko to Davao. Sana lang may internet sa hotel pero sure ako na may internet sa Gen San. Hahahaha.

Special Mention:

JAM. Di ko na sure kung makakadrop by ako sa resto niyo dyan. Pipilitin ko pa rin sila. Hehehe.

ZARAH. Text mo ko dun sa kulay ng bracelet ha!


-ayun lang-

*repost. ayaw magpakita sa inbox ko. bwiset.*

1:16:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


Lucky Day Yesterday

Yah. It was my lucky day yesterday! Wahahahaha!!

BAKIT?

I shopped for new clothes. Pano ba naman kasi 2 pantalon at 2 jogging pants lang ang ginamit ko kapag pumapasok sa school (4 days. iyong PE. syempre jogging pants pero kasama na sya dun sa dalawa). Sobrang poor. Kaya sabi ko kay Mama na bigyan na lang ako ng money para bumili ng damit.

So, may anim akong bagong pantalon at tatlong shirts. Hahahaha. Yeesss!!

'Di lang yon. Ang pinakamagandang nangyari kahapon ay nakabili ako ng HARDBOUND na Biology ni Campbell (3rd edition nga lang) for only 550 pesos! Tapos iyong cd na kasama niya na-download ko na sa net. So sabihin nating close to a thousand lang ang ginastos ko for my biology book! HAHAHAHA.

Nga pala, nag-iisa na lang siya doon sa may book for less thingy sa may malapit sa Mang Inasal sa Rob Imus. ;)

Anyhoo. Tomorrow na iyong flight ko to Davao. Sana lang may internet sa hotel pero sure ako na may internet sa Gen San. Hahahaha.

Special Mention:

JAM. Di ko na sure kung makakadrop by ako sa resto niyo dyan. Pipilitin ko pa rin sila. Hehehe.

ZARAH. Text mo ko dun sa kulay ng bracelet ha!


-ayun lang-

12:38:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


16.12.08
Christmas Wishlist

Although hindi naman talaga ganun ka-attainable ang iba rito, Christmas eh. Malay natin may secret Santa. Hahaha.

In no particular order:

1. 16GB/8GB na flash disk. Kasi naman andaming files na kailangang i-transfer. Hayyy. At saka pang-back-up na rin just in case na ma-virus ulit iyong PC ko. T_T

2. New pair of havs. Iyong orange na lang kasi ang natitira. Huhuhu.

3. External HD. I NEED IT BADLY. Hahaha. Kasi naman 40GB lang ang HD ng PC ko. Ang poorita noh?

4. New wardrobe. I need pants! Grrr. Kasi naman eeee.. Kaunti lang ang pants ko. Di naman kasi ako labasing bata noong HS pa ako. Pati shirt. Huhuhu.

5. iPod Shuffle [2GB]. Bakit? Bakit di iPod Touch? WHY? Shuffle para madaling dalhin. Kaunting mp3s lang naman ang ilalagay ko eh. Kasi naman iyong mp4 ko uber bigat at kapal. T_T.

6. Digicam with good resolutiona at MUST HAVE ay image stabilization. My current point and shoot cam doesn't have one. Iyong DSLR lang. Eh ang bulky-bulky niya. Hirap dalhin. So gusto ko iyong slim lang.. HAHAHA.

7. Good grades. PASSING GRADES. Grrrr. Hahahaha. Lalo na sa Chem17. Nako nako nako.

8. Compound Microscope. Yes!!! I want that kahit na Chem major ako!!

9. Telescope. Masayang magstargazing. Hehehe.

10. Pera. LOL. Pera pantulong sa iba.

11. Pinaka-ultimate. Sana lahat masaya sa Pasko at Bagong Taon. Walang masusugatan. Walang mapuputulan.


ends sabaw mode.

2:22:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


Oblation Run

First time kong makakita real-time/live ng mga elmo/squidward. Hahahaha.

Noong una di ko talaga makita kasi super kumpulan ang mga tao pero sabi ko kina Kim na punta kami ng chem pav kasi doon sila naghuhubad este magbibihis. So nasa AS Walk kami at kumpulan pa rin ang mga tao. After a while of waiting, lumabas ang mga naked dudes with masks. At doon ako nakakita ng mga bagay na di dapat makita pero nakita. Well, you know what I mean. Hahahaha.

Anyhoo, I got 82/100 [was it over 100?] sa Bio11. Wohoo!! The spirit of cramming. LOL.

So ayun. Kasi naman. Sabaw na sabaw kami kaninang umaga. Kumanta ba naman ng Disturbia habang nag-aabang ng Freekot at umarte habang nirerecite ni Lisa ang Mi UItimo Adios.

Pero ang pinaka-sabaw sa lahat ay ang palitan ang mga alam naming elements na ending in -ium ng -ia kasi plural form daw sabi ni Lawrence. Pati iyong The Podium napalita ng The Podia. HAHAHA.

Ito iyong mga elements:

Barium - Baria
Gallium - Gallia
Strontium - Strontia

at ang pinakamalala..

Potassium - Potassia.

Oha Oha Oha. HAHAHAHA.

ends sabaw mode

12:53:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


14.12.08
Naranasan mo na bang maging SPONGE?

Ikaw. Naranasan mo na bang maging sponge?

Tipong absorb ka na lang ng absorb tapos release na lang ng release.

Kasi ganito ang lagay namin sa Chem17.

Absorb release. Absorb release.

Parang pasok sa kaliwang tainga labas sa kanan.

Kasi naman, kailangan mo talagang makinig sa kanya at kung hindi ka makikinig at magbabase ka lang kay Whitten, wala kang masyadong patutunguhan sapagkat iba ang conventions niya kaysa sa mga mababasa mo sa librong iyon.

[Halos] lahat kami eh tipong 'burning in hell' ang drama kapag Chem17 lec na. Tipong gusto mo nang matapos iyong subject pero bumabagal ang oras kapag andoon ka na. Parang laban ni Pacquiao, time stops as well as the world.

Every time. Nosebleed session. Magiging anemic ka talaga. Inom na lang tayo ng incremin or mas maganda iyong ferrous sulfate na reagent. LOL.

Anyhoo, I'm blogging this kasi wala akong magawa. SUPER BREAK NA ITO!

btw. DI NAMIN ALAM KUNG MAY LEC PA. T_T. Tapos kung meron malamang magpaquiz nanaman siya.. bagsak moments ulit. HAHAHA.

4:41:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


13.12.08
Hindi Makatao ang Exam!

Hindi talaga makatao ang exam. Mga mutants lang ang pwedeng sumagot non! Lintek! Buti na lang at halos lahat ng items ay nasagutan ko. Nag-stop lang ako don sa bwiset na polynomial na yan. Hirap kayang magfactor. Grrr.

Anyhoo. Physically exhausted at mentally exhausted na ako. Wohoo! Kailangan ko ng sleep!! Pati na rin ang mga chemists na gumawa ng RDR this week! GO US! HAHAHA..

Ito na ang pinakaaasam-asam nating break! Sleep tayo ha. SLEEP as in SLEEP. Bangungot iyong exam kanina. LOL.

Sabaw. Sabaw nako. Nagblog lang dahil wala lang. HAHAHA.


4:30:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~


End of Hell Week

So today na iyong 'culminating activity" ng hell week. ang napakasaklap at napaka-dreaded na CHEM17 Long Exam.

Ang Chem17 ay may history na na pagiging "filter chem" ng mga Chem majors. Kapag hindi ka pumasa rito it means to say na hindi ka nababagay sa kursong BS CHEMISTRY sa UPD. At ngayong nagbalik na si Ma'am Ratilla, talagang humirap nanaman daw ang Chem17. Sabi naman ni Ma'am Joan kaya naman daw sagutan iyong exam. Dapat lang ano! Kasi naman hindi naman kami mga mutants na kayang magsagot ng lubhang mahihirap na items sa exam. TAO lang kami. Pero sa bagay, iba't-iba naman ang level ng utak ng mga tao. Kumbagay may Easy, Average, Difficult, at Hardcore. Para bang video game. HAHAHA.

Anyhoo, I'm trying my best to pass this subject. Wa na ako care kung hindi ako makalipat sa UPM [sa mga nagtataka pa, hindi na siguro ako lilipat ng campus. ^^] pero kung hindi ko makakayanan na mag-chem pa, sana naman enough ang GWA ko para mag-shift sa Bio. Hahahaha. Second choice ko naman kasi ang Bio eh noong pumili ako ng couse kasi nga na-DPWS ako.

Good luck na lang sa 'culiminating' activity ng hell week later. Sana parang ZL lang na culminating activity. Tipong nag-eenjoy ka kasi tapos na. Tipong binigay mo iyong best mo tapos okay iyong resulta. Kasi rito sa UP iba eh. Kahit ibinigay mo na ang best mo, wala pa rin. Minsan naman kapag 'ginago' [sorry for the term] mo iyong subject, iyon pa ang mataas. Wish ko lang pwede gaguhin itong exam na ito eh pero hindi. KAILANGANG MAGSERYOSO. Nakasalalay ang future ko rito although quite predicted ko na na hindi ganoong kataasan ang grade na makukuha ko ang importante eh nabigay ko iyong best ko kasi kapag alam mo na best mo talaga ang binigay mo makikita ni God 'yan tapos siya na bahala sa iba. Proven na yan sa Math17 ko. Akala ko babagsak/uulit ako ng Math17. Buti na lang at na-tres ko pa. Hehehe.

Sabi nga nila, hindi mahalaga ang grades na makukuha mo, ang mahalaga ay iyong may natutuhan ka. Ano naman ang mapapala mo kung mataas ka nga tapos eventually makakalimutan mo rin ang mga natutuhan mo? Ang importante eh iyong natira diyan sa coconut shell mo.

Anyhoo, mahaba na ito. Nag-break na muna ako sa pag-aaral. Hehehe.

2:54:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~