5.11.06
Weird

tagged by Rizza
Simply list down nine weird things about one's self and tag nine others (plus 1).

1. kapag tumawa ako to the max, minsan sipon kaagad inaabot ko.. and worse.. allergic rhinitis.. musta naman un?

2. mahilig ako sa mga anime na may love story.. hindi ba halata.. hindi ko talaga alam pero nung mapanood ko marmalade boy doon na nagstart..

3. kapag kinikilig ako.. tumitili ako habang nakatakip iyong kamay ko sa bibig ko tapos bigla na lang akong tatawa.. lol..

4. minsan kinakausap ko sarili ko lalo na kapag nawawalan ako ng gamit!.. at nang dahil dyan napagalitan tuloy ako ng nanay ko..

5. mabilis akong magutom.. ewan ko ba kung bakit.. kakakain ko lang tapos mga 5 mins. gutom nanaman ako! kaya ako tumataba! lol..

6. kapag instrumental iyong pinapakinggan ko lalo na kung saxophone or piano.. sus.. super ako kung magsenti!! (nabiktima: Kaye at Rizza)..

7. kapag pinapatugtog Have Yourself A Merry Little Christmas at saka Rememnber Me This Way.. hindi ko mapigilang maiyak.. pramis.. patugtugin niyo iyan sa harapan ko.. tignan ko lang kung hindi bumaha ng luha.. joke!

8. ginagawa kong tubig ang suka.. lalo na kung sukang iloko na me asin at sinawsawan na ng manggang hilaw.. sus.. inom kung inom!! hindi niyo ako mapipigilan doon!

9. mahilig akong mag-experiment.. lalo na sa pagluluto.. dami ko na nabiktima dahil diyan.. mga pinsan kong mas bata sa akin nabiktima ko na.. gawin ba silang guinea pigs! pinakain ko sila ng payless na noodle soup na may sinigang mix! kamusta naman iyon!!

+ wala na akong itatag.. naitag na yata eh..

Labels:

2:52:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~