1.5.07
DLSU CCS Summer Camp 2007 Day 02

+ the adventure begins here. lol+

so morning. galing akong camp aguinaldo. hinatid ako ni papa sa istasyon ng MRT dahil ako po ay magcocommute. exciting! hehe. so punta ako sa kabilang side kasi south bound ako eh. so bili tiket. noong papasakay na ako sa first train na dumaan wala na akong space kasi siksikan as in sobra! so i boarded the second train na lang. grabe super siksikan sa loob. nawala lang iyong mga tao sa AYALA station. hehe. so noong nasa TAFT station lipat ako LRT. hehe. ayon. bili ng tiket. mali pa nga ako ng pinilahan eh. pagbigyan na kasi first time. hehe. ayon simula vito cruz hanggang dlsu nilakad ko. hehe. layo!

ayon nasa gokongwei na ako. hehe. siyempre punta muna sa mga friends tapos sa team kasi may "uniform" kami. wristband na cartolina na kulay green! hehe. resourceful kami eh.

well. mga ilang minuto pa kaming naghintay bago kami pumunta sa ISR (intellect seminar room?). naglaro kami ng taboo! team building activity! hehe. namiss kong maglaro nito. hehe. basta iyon. unfortunately, hindi kami nanalo. :(. hehe. pero nakakatuwa iyon Luke akala ko LOOK.. LUKE pala. hehe. star wars.

tapos pumunta na kami sa room sa 4th flr. basta. para sa aming WHOLE DAY java. hehe. basta whole day kami ng java. daming codes. iyon lang.

naglunch kami sa SEX (sinagag express.. utak nio). magsarap dito lalo na iyong tapsilog nila. tapsilog lang naman kasi iyong inorder ko. hehe. basta.

tapos. java nanaman. masakit na sa ulo pero ok lang. magagamit naman namin ito sa computer. hehe.

noong 5 pm na. uwian na. siyempre. walang susundo. commute ako pauwi. lakad nanaman simula dlsu hanggang istasyon ng vito cruz. hai. buti na lang sa LRT hindi siksikan. ang tanga ko kasi nga nasa TAFT na iyong linya ng LRT sabi ko pa sa babae "TAFT po." lol. haha! ayon lipat sa MRT. noong bumili ako ng card papuntang Santolan. wah! black and white. hindi ko nakita. hindi ko alam kung papano iinsert. ayan tuloy nastuck ako dun sa pagiinsertan ng card (iyong lane hindi sa machine). hehe. balik ulit ako doon sa pinagbilhan ko tapos tinanong kung paano iinsert. ayun! gumana na! pagbaba ko ng istasyon saktong may tren! pasok kaagad ako. ayun may upuan! yehey! nakaupo ako hanggang sa istasyon ng Santolan.

pagbaba ng istasyon. ayun nilakad ko simula sa istasyon hanggang gate 3 ng camp aguinaldo. layo nun ha! mga 500 mtrs siguro. hehe. tapos doon ako sinundo ng tatay ko. punta muna sa quarters niya tapos sa office niya. doon ako nakapag-laptop at internet at ym kahit saglit lang. hehe.

tapos pumunta kami sa gateway kasi bibili ako ng t-shirt para sa uniform the next day. hehe. hindi ko alam noon na nandun din iyong tito at tita ko. hehe. kaso lang hindi kami nagkita. hehe. ayun kumain kami sa kfc sa food court. first time ko sa gateway. hehe.

ayon.. first time kong maagang matulog. homesick pa rin ako pero ok na kasi alam ko na next day sa hotel na ako matutulog. hehe.

+ sori kung natagalan. inatake ng katamaran. hehe

Labels:

9:41:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~