11.5.08
90's person ka kapag alam mo ito...

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. hahaha. true ito. may Tex ako noon puro DBZ, Ghost Fighter at kung anu-ano pa.. at hanggang ngayon marunong pa rin akong magbilang ng Tex, the easy way. hahaha

2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun. Haha. Hala ano na nangyari sa Bazooka ngayon... sarap pa man din ng Bazooka. the greatest bubblegum i've ever chewed. hahaha. may komiks ako niyan. nangongolekta ako. hahaha.

3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. tirador. peyborit kong laruan ito noon. nakikihiram pa ako sa kapitbahay noon. titiradurin namin iyong maya or iyong puno ng aratilis. hahaha

4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store. hahaha. oo. aaminin ko. naglalaro ako ng paper dolls noon. hahaha. nakakaloka

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. kahit babae ako, may pellet gun ako noon!

6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. ay. 'di ito nangyari sa akin.

7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. ay. 'di ako napagalitan. hahaha. pero nagwa-watusi kami, even before New Year. sayang lang at banned na. saya pa man din iyan kapag hinahabol ka ng watusi. hahahaha.

8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. guilty! potek. inasam-asam ko iyan eh.

9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. shirt wala. cap, meron.

10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin. ay. oo. grabe. swerte ng mga kiddos ngayon.

11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. walang sinabi sa akin na ganito.

12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. potek. si jolina ang nagpauso nito eh! noong nasa dos pa siya! chuva chu-chu. chuva chu-chu. babe in love ako with you. kadiri.. yuucck. bat alam ko pa iyon? guilty nga pala ako ulit dito.

13. Nagpabili ka ng Polly Pocket. hahaha. i remember this. may padala pa ang tito at tita ko na ganito, if i'm not mistaken. kakaloka.

14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. hahaha. LOL. guilty mehn!! potek talaga.

15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles. hahaha. 'di lang Disney. may Power Rangers pa!! hahaha.

16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. i still do it up until now. potek talaga

17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. okay. guilty! iyang mga 10 or 20 pesos na stationeries. hahaha

18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. truth be told, i had all of these portable games during my kiddie years. wahahaha. ang i personally love the latter game. it's so kewl. oh. idadagdag ko na rin.. iyong hinihila na stick na may spring sa loob tapos may bola.. then kailangan iyong bola eh pupunta doon sa mga curves na may points. hahaha.

19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. OMG. guilty again. hahaha. kahit break. kahit lunch. kahit uwian. basta free time. hahaha.

20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". hahaha. can't stop but laugh.


21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. may ganito ako noon!! grabe. sunod sa uso. grabe talaga. it costs 100++ ata.

22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. ay. wala akong ganito. hahaha. puro bears and animals and other stuff ang notebook ko noon. at saka. seton ang nagpoprovide noon hahaha.

23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school. guilty! hahaha.

24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. ay jusko. patay na patay ako sa relong ito noon. grabe. meron nga pala ako isa lang. hahaha.

25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. ay 'di naman ako elem noon. toddler pa lang. hahaha.

26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. ohyes! it's still here with us!

27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. ay iyong mario. world 6 or 7 na ata ang inabot namin diyan. hahaha. at ang battle city.. lagi akong talo.. Oh.. idadagdag ko na rin ang CONTRA. hahaha.

28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. guilty ulit. brick game. hahaha.

29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". ohyes! tumatanda na talaga ako.

30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries. [di naman theme song.. like lang.

31. Sumasayaw ka ng Macarena. oh good. hahaha.

32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. hahaha. di naman ako die hard fan nila. at wala akong poster or casette. hahaha.

33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. ohyes!

34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands. yap. hahaha.

35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. Hahaha. hahaha. tape. di ko nasubukan iyon

36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
"Tell the World of His Love" - the first song i sang on stage. uhmm.. it was a group performance, okay? so don't bother to ask me if i screwed up or not. hahaha

37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. hay naku. ganyan talaga. kaya nga rated PG. hahaha

38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad. guilty! kahit paulit-ulit na ang episode. hala sige nood pa rin!

39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. ang makapagbag damdaming Dragon Ball. nagsimula noong grade 1 ako. natapos noong grade 6 na ako. oh diba? sosyal!

40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!" Tato* ni Ara Mina 'di totoo... [alam ko iyan noon. hahaha. tawa lang kami ng classmates ko.]

41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa
marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.." antagal na non eh. 'di ko na maalala. yrs old pa lang ako nung lumabas ang Maskman sa ABC 5. tama ba?

42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. guilty! 4 times ko nang napatapos ang anime ng Sarah at twice naman ang movie ni Camille. hahaha.

43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban. nakakaiyak siya. grabe. hahaha.

44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon. ay di ko pinangarap iyan. pero as young as 2 years old, patay na patay na ang lola mo kay Paolo Contis. dahek!

45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena. hahaha. LOL. akala ko rin iyan noon.

46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima... alam ko iyan kaso hindi ko na maalala sa sobrang tagal na.

47. Napanood mo ang Batang X. oh yes! cute pa si John Pratts dito. hahaha

48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. like yeah. hahaha. kasama pa si inay!

49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles". oo naman lalo na iyang Home Along Da Riles at Oki Doki Doc. ibalik ang Agot and Aga tandem! LOL.

50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. Hindi kaya. Mas masayang panoorin si Gladys Reyes. oo naman. grrr. asan si Princess Punzalan. sarap niyang patayin noon. hahaha.


51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp. Esperanza na lang ang natatandaan ko.

52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. Judy Ann Rico Yan patay. hahaha.

53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat." sorta. pero malabo.

54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy". ay.. iyong chickenjoy lang..

55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay. ows? di nga? 'di ko alam. hahaha.

56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. 'di yata.

57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. ay potek. pinagtiya-tiyagaan ko ito eh. tapos afterwards may maglulutong parang nang-aaway na babae. hahaha.

58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies. 'di ko siya napanood lahat.

59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." ay oo. talamak iyan noon.

60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. hahaha. guilty.

61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. 'di ko siya naging crush noon, at patago akong tumitingin sa kissing scene si Jack at Rose. LOL.

seriously, while giving comments to these facts, i'm laughing all by myself. kasi lahat, totoo. well almost lahat eh naranasan ko. hahaha. i feel nostalgic. i really miss my childhood days. hahaha.

batang 90s nga ako!

kayo?

7:56:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~