10.5.08
Random

random stuffs regarding my 3-day adventure @ UP Diliman.

1. matataray ang mga taga-infirmary. kahit saang anggulo mo tignan. lalaki o babae. nagmemenopause na ata? grrr..

2. kahit pala maaga ka, sa dulo pa rin ng pila ang bagsak mo.

3. may babae na che-che + ate aya = her. hehehe.

4. may isa pang babae bonna + geaneil = her. nakakaloka.

5. ang UPD ay isang melting pot. may katabi akong taga-negros. taga-bataan. taga-mindanao, at kung saan-saan pang lupalop ng Pilipinas.

6. hindi ibig sabihin na kapag hindi mo nakita ang pre-enlisted subjects mo sa CRS na nakalagay ay enlisted ay hindi mo ito makukuha. well, sa lola niyo, nakuha ko siyang lahat. may nag-conflict lang sa sked kaya napalitan ang PE.

7. ang Form5A ay isang papel na may table at computerized. ang Form5 ay isang papel na may table at mamanu-manuhin mong ililipat ang subjects mula sa Form5A mo papunta sa Form5. mano-mano as in isusulat mo siya. kapag nagkamali ka, 3 pages din ang lalagyan mo ng correction fluid.

8. maraming tawag sa correction fluid. ngayon ko lang ito napatunayan. may snopek. all-whites. correction. liquid paper. liquid eraser. at kung anu-ano pang anik-anik. hahaha.

9. ang UPD ay lungga rin ng mga 'juding'. lingon ka sa kanan at sa kaliwa, may makikita kang isa. at kung wala naman. nagtatago lang sila. hahaha.

10. ang Shopping Center ay punung-puno ng photocopying stores. kaliwa, kanan, harap, likuran. they're everywhere.

11. talamak sa buong UPD ang vandal na ito. VIVA CPP-NPA-NDP. they're like everywhere. marami talagang aktibista at namumundok dito.

12. sa entrance credentials, hindi naman pala kukunin ang original birht certificate. hahaha. nakakainis.

13. huwag nang pumila kung wala kang orihinal na report card at ang medical certificate mula sa infirmary. dapat ang medical certificate ay may tatak na 'fit to enroll'

14. maarte ang form 2-C ng medical. maarte as in maraming ek-ek. chorvaloo. eklavu. eklat. chenes. chennelyn. cheverloo. basta maarte siya. see for yourself na lang.

15. kahit papaano may nakita naman akong cute na upperclassman [alyanna.. yihee. hehehe]. cute siya. kaso lang may isa siyang gesture na napansin kong maari siya mmmm. hahaha.

16. isa pa palang kamukha. may kamukha ang kapatid ni karie *wink* na si kevin. hehehe.

17. dahil sa haba ng pila, nakachikahan ko tuloy si kesha [hope i spelled it right] na sa FOP ko lang nalaman ang kanyang name. kamusta naman iyon diba? chikahan kami sa pila for assessment tapos 'di namin alam names ng isa't-isa. hehehe.

18. dito pala, kahit late ka, mas mauuna ka pa sa mas maaga sa iyo. nangyari ito sa 1st day. nauna pa sa akin si lou sa OUR. kamusta naman iyon diba?

19. ang course ko pala ay BS Chemistry major in Tamabayology minor in Mallology. ang trabaho pagkatapos: drug lord. LOL.

20. kapag pumila ka sa kahit anong pila sa UPD. make sure to bring a handkerchief... or better yet towelette kasi sobrang init.

21. totoo nga talagang Unibersidad ng Pila ang UP. no doubt about it. tested and proven.

22. isa pang totoo. ang Unibersidad ng Pilipinas ay isang mikrokosmos ng Pilipinas. tested ang proven.

23. enrollment pa lang sa unibersidad na ito ay para ka nang nasa totoong mundo. dahil na rin siguro sa hassle. sa pila. para ka nang naghahanap ng trabaho o nakapila sa embassy para sa iyong visa.

24. PATIENCE IS A VIRTUE ika nga ni Sir Dennis. kailangang mapagpasensya ka. kung hindi naman, bumili ka na ng pasencia sa pinakamalapit na bakery.

=======

singit ko na lang ito.

1. araw-araw ay 7AM - 5:15PM ang sked ko. freshie pa lang pero ganito na. hahaha.

2. PE ko na ay Duckpin Bowling.

3:35:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~