13.12.08
End of Hell Week

So today na iyong 'culminating activity" ng hell week. ang napakasaklap at napaka-dreaded na CHEM17 Long Exam.

Ang Chem17 ay may history na na pagiging "filter chem" ng mga Chem majors. Kapag hindi ka pumasa rito it means to say na hindi ka nababagay sa kursong BS CHEMISTRY sa UPD. At ngayong nagbalik na si Ma'am Ratilla, talagang humirap nanaman daw ang Chem17. Sabi naman ni Ma'am Joan kaya naman daw sagutan iyong exam. Dapat lang ano! Kasi naman hindi naman kami mga mutants na kayang magsagot ng lubhang mahihirap na items sa exam. TAO lang kami. Pero sa bagay, iba't-iba naman ang level ng utak ng mga tao. Kumbagay may Easy, Average, Difficult, at Hardcore. Para bang video game. HAHAHA.

Anyhoo, I'm trying my best to pass this subject. Wa na ako care kung hindi ako makalipat sa UPM [sa mga nagtataka pa, hindi na siguro ako lilipat ng campus. ^^] pero kung hindi ko makakayanan na mag-chem pa, sana naman enough ang GWA ko para mag-shift sa Bio. Hahahaha. Second choice ko naman kasi ang Bio eh noong pumili ako ng couse kasi nga na-DPWS ako.

Good luck na lang sa 'culiminating' activity ng hell week later. Sana parang ZL lang na culminating activity. Tipong nag-eenjoy ka kasi tapos na. Tipong binigay mo iyong best mo tapos okay iyong resulta. Kasi rito sa UP iba eh. Kahit ibinigay mo na ang best mo, wala pa rin. Minsan naman kapag 'ginago' [sorry for the term] mo iyong subject, iyon pa ang mataas. Wish ko lang pwede gaguhin itong exam na ito eh pero hindi. KAILANGANG MAGSERYOSO. Nakasalalay ang future ko rito although quite predicted ko na na hindi ganoong kataasan ang grade na makukuha ko ang importante eh nabigay ko iyong best ko kasi kapag alam mo na best mo talaga ang binigay mo makikita ni God 'yan tapos siya na bahala sa iba. Proven na yan sa Math17 ko. Akala ko babagsak/uulit ako ng Math17. Buti na lang at na-tres ko pa. Hehehe.

Sabi nga nila, hindi mahalaga ang grades na makukuha mo, ang mahalaga ay iyong may natutuhan ka. Ano naman ang mapapala mo kung mataas ka nga tapos eventually makakalimutan mo rin ang mga natutuhan mo? Ang importante eh iyong natira diyan sa coconut shell mo.

Anyhoo, mahaba na ito. Nag-break na muna ako sa pag-aaral. Hehehe.

2:54:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~