18.8.08
The Forever Dreadful Math17

ayon nga sa isang vandal sa MB.. 'Math 17 is just a phase, it too shall pass'. sana nga maka-pasa ako. nakooo..

kakatapos lang ng midterms noong sabado. at wala pa rin akong naipapasa na long exam. hayy.. forever na lang bang ganito?

alam niyo ba na hindi na ako makakain ng maayos dahil dito? feeling ko nga in the next few days magkakasakit na ako ng todo-todo eh. isang sign na rin ang unusual bowel movement. hindi ito pwedeng iclassify as LBM kasi wala naman akong sakit sa tiyan ngayon. sabi ni mama at ni kaye, stress lang daw ito which is TRUE naman. isa pang sign ay ang constant akong kinakabahan. sabi ni mama 'Commit yourself to the Lord' 'Malakas tayo sa Kanya'. ayaw ko na kasing maranasan na kinakabahan ng ganito. sabi nga sa Homily nung Sunday 'Fear not kasi nandyan lagi si God'.

hayy buhay... parang life. anyway, lapit na ang doomsday which is on wednesday.. goodluck na lang talaga sa akin. :D

i knew i did my human best and now i am leaving to God the rest! :D

siguro marami na akong utang sa Kanya kaya binibigyan niya ako ng mga pagsubok. test lang ito sa akin ni God. kaya ito! tira tira!!

anyway, ewan ko kung anong magic ang meron sa 4th year math notebook at iba pang paraphernalia at napagaan niya ang loob ko. kapag ito ang naging dahilan ng pagpasa ko pa sa iba ko pang mga exams, magkakaroon ako ng utang kay sir dennis. XD. hahaha.

QC day tomorrow pero gagawa na ako ng assignments bukas. may qualitative analysis pa! T_T.

1:53:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~