27.12.08
Year Ender Post

So, ano bang nangyari this 2008?

May nagbago ba? May nawala ba? May nakuha ba?

Ngayon, ira-rundown ko kung anu-anong mga events ang mga naaalala ko this 2008.

Unahin na natin eh iyong huling Intramurals sa Seton. Aim namin ang mag-champion. And it happened. Super close fight talaga kami ng 3rd year. I can't remember the figures pero super close fight. :D. Although (quite) disappointing ang cheerdance (leave the issue alone. matagal na yan.), nasuklian naman siya sa table tennis. ^_^

Next ay iyong graduation. Nakakalungkot isipin nung mga panahon na iyon na ang huling pagkakataon na makikita ko na buo ang batch namin (heck may grad ball pa nga pala. XD) ('cause there's a high chance na kung may alumni homecoming man eh hindi mabubuo nang buong-buo ang batch). But I didn't cry kasi naman hindi pa naman end ng lahat iyon eh. We can still see each other again pero di na araw-araw. That's the only difference.

Grad Ball. Supposedly 'di talaga ako pupunta pero napilit ako ng mga magulang ko two weeks before ng grad ball. XD. Ayon, okay naman ang lahat noong gabing iyon. Para sa iba, perfect ang gabing iyon (not pertaining to myself).

Isasama ko na rin ang appeal for reconsideration na hindi YATA natanggap. Yata kasi hindi na ako tumawag nung last day. I decided kaagad na sa Diliman na ako mag-aaral. If it wasn't for that decision, di ko mararanasan iyong nararanasan ko sa Diliman ngayon. Tipong hirap ka pero enjoy pa rin. At ang walang pasok kapag Monday. XD.

Next eh iyong enrollment sa UPD. Doon ko naranasan ang mga nararanasan ng mga pipol sa POEA o sa Embassy o sa DFA. PILA. Super duper PILA. Advice sa mga susunod na Iska/Isko. Magdala ng twalya at pamaypay isama na rin ang payong kapag mag-eenroll. Don't worry. In ONE building lang naman ang halos lahat ng proseso sa enrollment. Sa college briefing lang iyong sa college the rest sa OUR na. Di gaya kapag second sem na. HAHAHA.

This year ko lang naranasan na sumuporta ng sobra sobra sa isang PBB contestant. Si Robi Domingo. Noong mga unang PBB seasons, isang text lang ako at tuwing big night lang iyon pero dahil sa ROBIlievers sa PEx, I was able to support to the fullest. As in bigayan ng e-pins galing sa mga taong di ko kakilala. Magkaroon ng load pamboto from other people. Ganun.

June 10, 2008. First day of classes sa UPD. Pumasok pa ako sa Geol11 class ko. HAHAHA. Free cut nga kasi may FWA. After ng FWA, block something something. M8 ang block ko. Masaya sa block na ito. As in MASAYA. Hahaha. Go party people!!

Magkaroon ng isang formal EB with ROBIlievers and the Domingo family. It was really really fun! First time kong makakita ng artista (na sikat. hahaha) face to face. At naakbayan pa ako. Waaaa!!! Ito na yata ang pinakamasayang EB na napuntahan ko.

At ang birthday present na di ko makakalimutan. Ang greeting ni Robi noong birthday ko! It was really a sweet sixteen for me. Salamat ulit kay Kuya Julian for making it happen!

Ang mga hirap at pasakit ng Math17 at Chem16. Tinest na ata nito ang lahat ng aspeto sa buhay ko. Physically. Emotionally. Mentally. Spiritually. Socially. Everythingally. XD. Pero at least WE pulled through these. Go Chemmates ang Mathmates!

Mag-field trip ng overnight sa malayong lugar! The field trip was really memorable and really fun! SOOOBBRAAA.

Ang enrollment sa SECOND SEM. Mahirap ang walang PE. Mahirap ang may kaunting sprain sa paa. DAHIL.. you have to go from one building to the other back again tapos dun ulit. T_T.

Ang makaranas ng PREROG. Dito kami ulit nagkita ni Yanna. Sa long line ng prerog. The next day pa ako nakakuha ng PE, which is Softball. Masaya naman siya eh. Nakakatuwa. Hehehe.

Marami pa akong memorable memories of 2008 pero di ko na idedetalye pa. Pero.. ang pinakahindi ko makakalimutan at matatatak sa utak ko ay ang....

Pagpasa ko sa Unibersidad ng Pilipinas.

Bakit?

Isang napaka-importanteng prebilihiyo ang makapasok sa unibersidad na ito. Ito iyong palaging sought after ng university. Kasi naman mura na at matututo ka talaga. Di ka lang magiging academically competitive pati sa ibang bagay. Di ka lang nila hino-hone bilang isang estudyante, hino-hone ka nila bilang isang mamamayan ng bansang ito (i'm not into rallies ha.), Sabi nga nila ang UP ay ang mikrokosmos (tama?) ng Pilipinas. You learn a lot from this university na feeling ko ay di mo makikita sa ibang unibersidad. At saka, may ACADEMIC FREEDOM dito. Actually freedom sa lahat eh. There are no boundaries in this university. No limits. At ang natutuHan ko rito is to reach beyond your limits. Walang madaling paraan diyan. You have to do it by yourself! Sabi nga ng isang Math prof, ang mga taga-UP ay itatapon na lang basta-basta sa dagat para matutong lumangoy. Walang tutulong sa iyo kundi sarili mo lang. Hindi lahat ibibigay sa iyo sa UP unlike sa high school na pwede papetiks-petiks lang dahil iniispoonfeed sa iyo ng mga teachers mo ang LAHAT. Ikaw na ang bahala sa sarili mo. FREEDOM AND INDEPENDENCE ang ilan sa mga natutuhan ko sa unibersidad na ito.


DONE with the EVENTS. Now let us go to PEOPLE.

Sinu-sino ba ang mga bagong tao sa buhay ko? Who are they? Hahaha. Let's name a few. Walang magagalit ha kapag di natawag. PM mo ako. Hahaha.


Zarah Garcia. M8 ka ba? Siya ang una kong nakilala sa UPD na blockmate ko. Ang ingay kasi niyan first day pa lang. Joke! Masayahin 'tong batang 'to. Extrovert. Sobrang friendly. Daming friends eh. Hahaha. Lab Partner ko siya noong first sem. Pareho kaming sabog. XD.

Rizi Guerrero. Noong una ko siyang nakilala, love life niya kaagad ang pambungad. Tama ba? Hahaha. Lakas ng trip niya lagi. Kapag kasama mo siya, di ka magiging serious. Lafftrip lagi eh. Hahaha.

Sharah Garcia. Ang nawawalang kapatid ni Zarah. LOL. Siya iyong mataba at may krasss (pagamit Jam) kay *toot*. Kidding aside. Matalino itong batang ito. SOBRANG TALINO. DOST scholar eh at mataas siya kay Sir Saddi (who made our Math17 a hellish experience), di pa ba uber talino non? Dibaaa..

Quix Doloso. Siya talaga ang first kong nakilala. Sa College Briefing pa lang. ^^. Tahimik siya pero may times na sabog din siya. Hehehe.

Bulette Camitan. Siya iyong pangatlong nakilala ko noong first day. Di ko rin akalain na classmate ko rin siya sa Pan Pil 12 noong first sem.

Jet Guerrero. Laging late. Kidding aside. Masayang kasama 'to. Lalo na kapag kasama niya ang pinsan (kuno) niyang si Rizi. Magaling mag-English at maganda ang tono. Nosebleed nga eh kapag nage-English na siya. Hahaha.

Potpot Estaquio. Matalino, mabait at masayahing bata siya. Madali lang siyang lapitan kapag may tanong ka sa isang subject. Very approachable. May times din na sabog siya. Remember iyong incident sa jeep na 'di ka ata nagbayad? Hehehe.

Ericho Fuentes. Very approachable at mabait. katulad ni Potpot. Siya ang lagi kong tinatanungan sa Chem. At dahil dun. Salamat.

Mark Fernandez. Sobrang vocal. Very vocal sa mga stuff. With re-enactment pa. He'll really make you laugh hard! Sayang nga lang at mukhang magsi-shift siya.

Other Chemmates. Party people ang mga yan. Kahit hirap na sa mga subjects, party pa rin. :))

Abby Espiritu. I didn't know na siya pala iyon!! Kwento: Nasa stage ako at nagpapakilala, when I sat down may kumalabit sa akin at sinabing "Ui. Kilala kita!!" So siya pala si Gayle. XD. Hahaha. We met sa Teentalk at nakita ko rin siya sa PEx. She knows Jam and Gemi. Small world isn't it?

Kevin Basis. Super fun kasama. Friend siya ni Zarah. Classmate ko siya sa Geog1. Galing niya sa mga flags. One mistake lang kami dahil sa kanya. :D

Meanne Binuya. Pareho kaming mahilig sa anime. Kaya kapag nagkikita kami puro anime ang pinag-uusapan namin.

Bio11 groupmates. Sobrang fun nila kasama! May sabog at sabaw moments pa kami! Hahaha.

Marami pa sila. At sobrang fun nila kasama. ^_^

Sa mga affiliations naman..

ROBIlievers. You made my cyber life great! Binigyan nila ako ng bagong cyber home. Kapag nasa thread ako, masaya ako. Kapag malungkot ako, I always go to the thread para maging masaya ako kasi stress reliever. Marami kasing masasayang tao rito. Although may mga times na may mga bad issues na kumakalat, we stayed strong. Marami pa rin kami. Kahit na marami kaming bashers, we didn't give up kasi alam namin na nasa tama kami at tamang tao ang sinusuportahan namin. Example talaga and someone to look up to.

Noong mga unang araw ko rito, I felt na I was home (andrama. XD). Kasi naman healthy ang mga conversations unlike sa ibang mga forums/threads na walang kwenta. Dito ako inabot noong summer ng madaling araw. Dito ko rin naranasan na magbigay ng number sa mga 'di ko kakilala at pagkatiwalaan ako ng mga hindi ko kilala.

And andito iyong mga tipo ng tao na mapagkakatiwalaan mo talaga, may good sense of humor, marunong makisama, at matatalino ang mga tao rito kaya healthy ang mga conversations.[kaya siguro maraming mga ipises sa bahay naten.]


So there you go. My year ender post. Happy New Year everyone!

PS: Please tell me if I'm missing anything/anyone.

12:48:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~