10.3.09
Napapansin Mo Ba?

Ang pagkagat ng dilim.
Ang simula't pagtapos ng takipsilim.
Itatanong ko ulit.
Napapansin mo ba?

Ang pambungad na bukang-liwayway.
Ang pagtatapos ng dapit-hapon.
Itatanong ko ulit.
Napapansin mo ba?

Magmula nang magsimula ang ikalawang semstre ng unang taon ko sa UP, saksi ako sa bawat bukang-liwayway at dapit-hapon na magaganap sa bawat araw.

Noo'y wala akong pakialam sa kung anong oras man lulubog o lilitaw ang araw sapagkat hindi ko naman pinahahalagahan ang oras noon. Ngayon, pansin ko na ang pagkakaiba ng kulay ng langit kapag bukang-liwayway o di kaya'y dapit-hapon.

Dahil dito napagtanto ko na tama nga iyong kulay ng 'daybreak' at saka 'nightfall' sa MS Word.

Maaring sabihin na mas naging mapagmatiyag at mapanuri (matanglawin?) na ako ngayon. Hindi ko mawari kung bakit ngunit simula nang magsimula akong mag-uwian, napapansin ko na kung anong nangyayari sa aking paligid. Para bang masasabing 'exoskeleton' ko ang paligid ko. Kaya maaring ito ang dahilan kung bakit pati bukang-liwayway at takipsilim ay napapansin ko na rin.

Ikaw. Pansinin mo. Ang kulay. Ang itsura. Ang kagandahan ng bukang-liwayway at takipsilim.

Mas mahaba na naman ang araw ngayon. Maaga ang bukang-liwayway. At halos umabot na ng alas siyete ng gabi bago matapos ang takipsilim. Pansinin mo na. Maganda yan. Hahaha.


- Okay. Random lang ito. Tinatamad pa akong gumawa ng discussion for the RDR eh. Tapos mag-aaral pa ako for long quiz sa Chem. Tiyak boplaks nanaman ako tomorrow. Hahaha. TINK PASITIB!




4:10:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~