21.3.08
Gate Crashing, Pictorial, and Other Stuff

Okay so simulan natin nang mga 9 am kahapon. Sinabi ni Kaye sa akin na pupunta raw sila rito sa bahay namin kasama si Karie *wink*. Hindi naman ako masyadong naniwala pero nabagabag naman ako ng kaunti. Hahaha. Tapos ayon, nag-ayos ako. Then mga 2 pm biglang may.. 'Carmela' sa labas. Okay so medyo mahina ang voice recognition ko pero I knew that it was Kaye who was calling me that time. Labas nama ako.. ng nakapambahay.. Hahaha. It was the first time na may pumunta sa bahay ko nang hindi ko aakalaing pupunta talaga. Ayon, hindi ko muna sila pinapasok. Pinapasok ko lang sila nung sabihin nilang 'Hindi mo ba kami papapasukin?'. Nagulantang talaga ako sa kanila. 'Di ko akalaing totohanin nila iyon. Ayon.. ginawa nila akong PHOTOGRAPHER and CLOSET. Hahahaha. Si Karla nagpictorial gamit iyong top KO. Oo akin iyong gamit niyang top. Medyo maluwang sa kanya pero kasya naman. Weird. Ayon.. puro pictorial at panghihimasok sa bahay namin ang ginawa nung dalawa. Mga 2 hours din sila roon.

Tapos buti na lang at pumayag si mama na pumunta ako kina Kaye. Hinatid kami ng Tito ko papunta kina Kaye. Tapos doon nagtype ng yearbook. Doon lang namin ginawa iyong yearbook. Hahaha. XD. Type, kain, at kung anu-ano pang stuff. Hahaha.

Ayon.. iyon lang.. Hahaha.. Nakakatuwa talaga silang MAMBULABOG. XD.

Labels:

11:50:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~