18.8.08
UPCAT [A year ago] PAHABOL!

ayan.. nahalungkat ko rin iyong blog entry ko!! nasa blogger pala siya kaya hindi ko nakita. XD.

CHRISTINE ZARAH T. GARCIA. hindi na maikli iyong blog entry!! sorta na lang.. XD.

College of Architecture. August 4, 2007. Saturday. 6:30AM.

sabi nila liblib na lugar daw ang College of Architecture. Kinakabahan ako.

UPCAT is OVER!! haha..

3:30 -- Gumising para maghanda

4:15 -- Umalis ng bahay para pumunta sa UP

5:00 -- Nakarating sa Kolehiyo ng Arkitektura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Kyusi. Marami nang nakapila sa labas. Ako'y nagulat sa mga panahong iyon dahil marami nang tao.

6:15 -- Kami ay pinapasok na sa loob ng gusali. Napadpad ako sa Kwarto bilang Isandaan at anim (106).

7:00 -- Nagsimula na ang aming eksamin. Mahirap sapagkat nahahati sa Ingles, Agham, Matematika, at Pag-unawa sa Binasa ang aming mga sinagutan. Mabuti na lang at hindi "Punan ang mga blangko" ang eksamin, kung hindi ay malamang bagsak na ako.

11:15 -- Natapos na ang aming eksamin ngunit ako'y naghintay pa ng mahigit isa't kalahating oras para sa aking tatay.

1:30 -- Dumating na ang aking tatay at sinundo na ako.

Marami pang nangyari sa araw na iyon ngunit dito ko na tatapusin ang kwento ko dahil pagod na ang aking mga daliri sa pagpindot ang napipindot na kwadradong bagay sa aking harapan..

+ Tagalog muna tayo. Buwan ng Agosto. +

that was a YEAR ago.. ngayong nasa UP na ako.. malamang may subject na babagsak ako. XD. no more shotgun-ed answers. kailangang concise, coherent and.. ano nga ulit iyon? refresh me MATH17 'blockmates' LOL.

5:49:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~