10.1.09
Just Once

I did my best but I guess my best wasn't good enough.

Para bang bawat araw na lang pinapakita ng mundo sa akin how much of a loser I am. PERO, kailangan kong pulutin ang sarili ko kung saan ako naiwan.

I guess dahil dito bumabalik na iyong dating "ako". Ganito rin naman iyong naramdaman ko noong highschool eh pero nalagpasan ko. So I believe, kaya ko rin ngayon. Although at times umiiral ang pagiging "suicidal" ko.

YES! Nagiging/naging suicidal po ako. I really wanted to die pero in a natural way. Ayokong mag-suicide dahil sa hell ang bagsak ko [kung ganoon. suicidal ba tawag doon? hahaha]. Truth be told, second year HS po ito nagsimula.

Sa tuwing nararamdaman ko ito, iniisip ko na lang na maikli ang buhay kaya huwag mo nang paikliin pa.

At saka ang buhay parang Newton's Third Law of Motion: The Law of Interaction. For every action there is an equal and opposite reaction. In short, may karma. Do good, babalik sa iyo good. Do bad, babalik sa iyo bad. At saka kahit ano mang dagok [wow! lalim] ang naranasan mo ngayon, sa takdang panahon, may babalik na swerte na doble ang halaga kaysa doon sa dagok na iyon.

Ngayon, ang problema ko na lang eee.. 'Di ko talaga alam kung BEST na ba iyong ginagawa ko or talagang may mas BEST pa roon at kaya hindi ko iyon naipapakita dahil hindrance ang pagiging tamad ko.


- Habang may buhay, may pag-asa. At naniniwala ako sa kasabihang kapag may pag-asa, may bahay. :))

11:46:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~