23.2.09
GPOA... (ng elitista't burgis. XD)

(na bagay sa mga naiinsulto sa GPOA ng STAND UP sa USC dahil kasama ang pakikipaglaban sa karapatan ng ibang sektor ng lipunan)

"UNAWAIN NAMAN NINYO ang kawawang kalagayan ng mga burgis o nag-aastang burgis o feelingero/a na burgis.... Sa susunod niyan, magmumungkahi na rin sila ng: parking space, waiting area para sa mga driver nila (kayo nga humihingi ng tambayan), aircon na Ikot para hindi mabigla ang shift nila mula kotse tungong jeep, footspa sa bawat CR, break period para mag-retouch ng make-up, non-slip tiles to consider the rights of those wearing high heels, umbrella boys/girls (parang sa golf) so that pag hindi ibinigay ang mga rights and welfare na ito, magra-rally sila na pinapayungan. Mabuhay ang kaburgisan... Kung hindi tayo ang kikilos, let someone do it for me... kung hindi ngayon, never mind na lang, rich naman daddy ko..."

At lagi sana nating tandaan na malaking bahagi ng ating edukasyon ay mula sa dugo, pawis, gutom at hirap ng mga manggagawa at magsasaka, kasama na rin ang pagsasamantala ng mga dayuhan at kapitalista sa kanila. Pinag-aaral tayo ng sambayanan (at oo, kasama ang mga magulang natin sa sambayanang iyan). Kaya nakakahiyang isipin na mas mahalaga pa sa atin ang drinking fountains kaysa sa kapakanan ng sambayanan.

re-posted from Zarah

10:42:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~