15.2.09
I Learned New Things!

Mahirap ang mag-uwian lalo na kung ang tinatravel mo eh halos dulo to dulo ng EDSA/MRT.

Tanong kaagad ng mga nasasabihan ko na nag-uuwian ako eh kung kaya ko pa ba? may time pa ba akong mag-aral? etc. etc. Kaya ang number one na natutuhan ko this year/sem ay...

1. Proper Time Management

Noong HS eh halos lahat ng projects, assignments, research papers, reflections, journals, etc. ay overnight ko lang ginagawa. Maski ang mag-aral for an exam, inoovernight ko rin.

Ngayong nag-uuwian na ako, hindi ko na kaya ang mga overnight, overnight papers na yan. Kaya naman kaso lang I have to sacrifice my attendance in my Math53 class. Kasi naman mga 7pm na ako dumarating sa bahay. Tapos gigising pa ng around 4am/5am [depende sa first class] para mag-ayos ng sarili and all. And to think na I have to take a bath, change clothes, eat breakfast, at mag-toothbrush in less than 45 minutes! Kaya everyday sabog ako!

At dahil din dito, natutuhan ko ang number 2!

2. Marunong na akong tumambay sa library.

I'm not your typical student na mahilig kumunsulta sa library kapag may kailangan. I have survived my years in elementary and high school nang hindi tumatambay sa library.. WILLINGLY. Tumatambay lang ako roon, not for research, but for the alien abduction books in the library. 'Yung dalawang makapal. 'Yung isa green, tapos 'yung isa blue. Hehehe.

Ngayon, halos every break ko, after kong maglunch, diretso kaagad ng library. Not to sleep of course, but to research about some stuffs not clear to me. At para na rin gumawa ng mga probsets at plates!

3. Natuto na akong matulog sa bus.

Takot kasi akong matulog sa bus. Baka madukutan ako or something. Pero ngayon panatag na ako. Hello, subukan mong dukutan ako at buksan ang bag ko. Tatambad sa iyo ang mala-gubat na interiors ng bag ko. Punung-puno ng lectures, notebooks, at syempre ang makapal na libro [so far si petrucci pa lang ang makapal]. XD. Panigurado niyan, di mo ako dudukutan!!

4. Naglalabas na ako ng electronics sa bus!

Noon kasi ayaw ko baka kasi mapahamak ako. Si Binx ang saksi sa lahat! Remember our field trips? Hehehe. Ngayon, mega labas ng mp4 at psp. Hahaha. I know maaring maging center of attraction iyon ng mga magnanakaw at mandurukot, but hey, hahalukayin muna nila ang mala-gubat na interiors ng bag ko bago nila makuha iyooonn!!


5. Nakakapag-ipon na ako.

Would you believe na sa 150 eh kasya na iyon sa pamasahe papunta't pauwi at pagkain ko? Hahaha. Oh well. I have to save for something. Naka-promise na ako eh. Eh ayoko namang mauwi sa wala so mega-tipid na ako. Kaya friendships, next sem na lang ulit ang libre or after ko na lang mabili ung pinag-iipunan ko or after kong makuha ung datung ko mula kay fudra.

6. Marunong na ulit akong maglakad!

Hindi sarcasm yan. Helloooo.

Ang ibig sabihin niyan eh, 'di na ako halos nagje-jeep papuntang Math. Occassionally na lang. Kasi connected siya sa number 2! Hello naman kung magjejeep pa ako from AS to CS diba? Lakarin na lang. Pampapayat pa! LOL. May something kasi eeee kaya kailangang maglakad. Diba Zarah at Rizi? Hahaha.



Ayan.. Ayan na sila. For sure bago matapos tong sem na ito marami pa akong matutuhan.

At dahil ako'y mabait na bata. Gumagawa na ako ng plates sa Bio11 at prelab sa Chem17

3:00:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~