12.1.09
One Year Ago...

My heart was beating super fast.

My fingers started shaking.

My throat got dry.

I wasn't ready for that moment.

It was an unexpected surprise.

Ay. Andrama. Hahaha.

January 12, 2008. May nagsabi sa akin sa Y!M na out na raw ang results ng UPCAT at nakalagay ito sa www.mycadaver.multiply.com. Syempre ako kinakabahan at pinapawisan ng sobra kahit na naka-aircon nako at gabi na noon.

Ako kasi ugali ko na tumingin mula dulo papuntang unahan. Para bang sa alphabet, Z muna ang uunahin ko tapos Y and so on. So that's what I did.

Noong nasa FG/EF part na ako, putol! Walang FERRER. Doon talaga ako mas kinabahan. Sobra sobrang kaba na para bang matatanggal na ang puso ko.

Tapos noong makita ko na iyong FERRER... I SAW MY NAME! BUT I was disappointed. Gusto ko kasi sa UPM eh. Eh ang lumabas: -insert my full name here- DILIMAN: Degree Program With Available Slot. So noong nakita ko nasabi ko "Shocks, Diliman LANG" [imbey ako ngayon na nasabi ko ito ngayon.]

After a while at saka ko lang sinabi sa parents ko. Sabi naman nila ayos lang naman, UP pa rin naman kasi.

So ayon... iyon ang gabi ng pagdedesisyon. Kung sa UPD ba ako mag-aaral o sa DLSU-M. And I ended up choosing UPD over DLSU-M.

Seriously, sa mga unang araw/weeks ko sa UPD, laging nag-o-occur sa akin na sana nag-La Salle na lang ako. PERO sa mga sumunod na araw naging okay din ang lahat. Ngayon, masaya ako rito sa UPD. Dito mo mararanasan ang extreme ups and extreme downs.

At dahil masaya na ako rito at dahil mahirap din dito, I guess 'di na lang ako lilipat sa UPM next sem. Igagapang ko na lang ang Chem to the best of my ability.

HAHAHAHA.

PAHABOL: Sa list na nilabas ng OUR ng UP [iyong hard copy] napapagitnaan ako ng dalawang FERRER na BS Mathematics. HAHAHA. XD.

12:40:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~