7.2.09
I Wanna Go Back In Time

Hayy grabe. Ever since nagcollege ako I never had this kind of rest day. Tipong wala ka munang iintindihin kasi pwede mo namang gawin bukas. Hindi iyong nagmamadali ka kasi after mong gawin ito, marami ka pa palang nakatambak na school works. Hayy. I really miss High School Life! SOBRA! As in!

Dati kasi kahit hapon na ng Sunday ako magsimula, natatapos ko talaga on that day. At saka kapag gumagawa ka ng project or assignment or nag-aaral ka for a quiz or quarterly exams, 'di ako nahahaggard. Pero ngayon kulang na lang lumupasay ako sa floor at humingi ng tulong dahil sa 'di matapos-tapos na mga gagawin. Hayy.

Multi-tasking before was very very easy for me. Ngayong nag-college na, 'di ko na magawa. Hayy. Ansarap-sarap mag-aral noon habang nakabukas ang TV sabay Y!M. Ngayon, di mo na magawa dahil for sure, babagsak ka. Dati kahit 'di ka makinig sa class, magegets mo iyong lessons. Ngayon di ka lang makinig sa class, sobrang crucial na sa pagpasa mo sa subject na iyon. Dati I though Chemistry was fun pero I never thought na ganito pala siya kaduper-uber hirap [smelling shifting? sorry, iba iyong naamoy niyo. XD] Hayy.

If could go back in time, babalik talaga ako ng high school. SOBRA. SUPER. 'Di kasi demanding ang high school eh. Hahaha. Tama nga iyong sinasabi nila na, ang high school daw ang pinakamasayang part ng buhay ng isang tao. So magpakasaya ka na while it lasts! Kasi sa college, may freedom nga pero puro hirap naman ang daranasin mo. Anyway, I know that someday all my hardwork will pay off!.. AND PAY HIGH! LOL.

Enough na sa mga rants. THIS IS REST DAY! And I'm loving it!!

11:53:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~