7.2.09
Small World - Second Sem

Actually may mga small world stories pa pala ako na hindi naikwento noong first sem pero sa ngayon 'di ko na maalala kung anu-ano iyong mga iyon. XD.

Anyhoo, punta tayo sa second sem. Dalawa pa lang siya pero pwede pang may sumunod na stories.

Small World Story # 1

Kaklase pala nina Rizi at Zarah si Alyanna sa Physics 71!

Nalaman ko lang ito noong ihatid ko sila Rizi at Zarah sa Physics kasi feel kong mag-sit in pero nagback-out din ako. Tapos nakita ko si Alyanna sa loob ng Physics. Tinanong ko sa kanya kung si Gammag [sp?] ba iyong prof niya. 'Di niya raw matandaan. Tapos noong nakalabas na sina Zarah sa CR, sabi niya na kaklase pala nila si Alyanna. Matagal na pala niyang sinasabi iyon, di ko lang siguro narinig iyon noon.

Small World Story #2 [fresh pa]

Kahapon, tinanong ko si J4 kung may kamag-anak siya sa Cavite. Sabi niya meron, Domasig daw iyong apelyido. Tinanong ko naman kung kakilala niya si Duds, sabi niya oo. Tapos after some time, tinanong ko ulit kung pinsang-buo ba sila ni Duds, sabi niya oo. Magkapatid pala iyong tatay niya at iyong nanay ni Duds.

Kasi naman kung titignan mo si J4 may features siya na hawig kay Duds. Hahaha. At kahapon ko lang nalaman ang katotohanan. XD.


To be continued... [kung may SWS pa.]


- Robi on Singing Bee later. ;) -

8:11:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~