22.1.09
Ano Nga Ba Ang UP? [para sa akin]

Ano nga ba ang UP? UP stands for University of the Philippines o Unibersidad ng Pilipinas.. sa INYO.. pero sa akin.. ito ang mga UP sa loob ng UP.

1. Unibersidad ng Pila - No doubt about it. Pila there, Pila here, Pila everywhere! Sobrang maeexperience mo ito kapag enrollment [kahit pa freshie ka pa lang!]. Kaya nga noong pauwi ako ng Cavite at naka-lanyard ako ng UP, may dalawang babae na nagtanong sa akin na: "Taga-UP ka ba? Kami rin eh kaso lang alumni na. Sanay na tayo sa pila diba?". Hahaha. Kaya naman kapag may pila.. dapat may pasensya...ayon ang next.

2. Unibersidad ng Pasensya - Pasensya sa pila. Pasensya sa mga prof na walang ginawa kundi magpahirap sa mga estudyante. Pasensya sa mga minor subjects (i.e. GE) na sobrang demanding na feeling nung prof ng subject na iyon major subject mo siya. Pasensya sa mga subjects na sobrang hirap na feeling mo out-of-this-world na iyong mga pinag-aaralan mo. Pasensya sa paghihintay ng TOKI na super limited dahil lahat ng Toki jeeps ay nakatambak sa Math Bldg. Pasensya sa paghihintay ng laging mataas sa demand na UP-SM North Edsa na jeep. At kung galing ka sa Trinoma at babalik ka sa UPD [around 2-4pm, tues-fri], kailangan mo ng matinding pasensya dahil sobrang tagal mapuno ng jeep. At marami pang dapat pagpasensyahan na 'di ko na matandaan kung anu-ano pa. Pasensya na dahil mahaba na itong comment sa UP na ito.

3. University of the Poor - Bukod sa literal na meaning ng UP na iyan, sa UP maghihirap ka dahil sa mga friends na madalas magpalibre ['wag ma-guilty at lalong-lalo na na 'wag magagalit dahil i have nothing against you guys] at kailangang may budget ka para sa mga nagkakapalang readings. At the end of the day, dun mo lang malalaman na halos butas na pala ang bulsa mo. XD.

4. Unibersidad ng Puyat - Yes! All hail sleep deprived chemists! Masaya gumawa ng FR ano? Sarcasm aside, mapupuyat ka talaga. Siguro kung superhuman ka sa time management di ka siguro mapupuyat. Hahaha. In my almost one year stay sa UPD wala pa yatang araw na hindi ako napuyat [meaning less than the required 8 hours of sleep].

5. Unibersidad na may Playground - Para sa mga depressed yan! Tamang-tama malapit sa Math Bldg. Hahaha. Nilikha ang playground para sa mga estudyanteng nais magbalik sa kanilang pagkabata o para maglabas ng sama ng loob [hahaha]. And guess where nila inilagay ito? Sa TELETUBBY LAND!! For the record, almost all colors ng teletubbies ay nakapintura doon. Kulang na lang eh iyong kulay ni Dipsy. Iyong see-saw kakulay ni Tinky Winky. Iyong monkey bars kakulay ni Po. Iyong slide kakulay ni Lala. Iyong swing... dapat ang kakulay ni Dipsy. Masayang maglaro rito. SWEAR!!

6. Unibersidad ng Pahinga - A very sarcastic UP. Dahil once you're in, you can never get out! Joke! May pahinga pa rin naman pero limited na lang... as of now. Hahahaha. Sunud-sunod kasi ang exams eh.. Hayy.. At kapag hell week... kaakibat na nito ang Unibersidad ng Puyat!


Ayan ang UP sa akin.. so far. Pero one thing's for sure, these doesn't apply to all. Kaya don't be takot ha? lol. Pero ito ang common sa aming lahat na UP.

7. Unibersidad ng Prends [corny, i know] - Dahil once you're in UP, ang mga friendships mo 'di lang limited kung saang socio-economic strata ka. From different walks of life yan! Iyan ang maganda sa UP, 'di ka lang matututo from your professors but also from your peers. Sobrang dami mong matututuhan sa kanila.


So ayan.. UP.. baka may gusto kang idagdag diyan? magdadagdag ako kapag may naisip pa ako. how about, Unibersidad ng Palusot? do you have any experience with such? hahaha.

Gagawa na talaga ako ng pre-lab ko mamaya 8pm. Wahahaha.


2:31:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~