21.2.09
Happy?!

Masyado akong happy these days pero di ko naman alam ang dahilan *kamot sa ulo*

Part na rin siguro iyong pagpasa ko sa Chem17 Second Exam sa happiness ko. Maituturing ko na happy ako kasi pasado ako pero 'di ganoon ka-happy eh kasi ang mga friendships di pumasa. . So what's the point na magpakasaya ka kung ang ibang tao eh hindi?

Anyway, gusto kong pasalamatan si *toot* dahil naging sort of lucky charm siya sa akin during the exam. Kung hindi dahil kay *toot*, di ko siguro maaalala na mag-ICE table sa equilibrium concentration ng Fe3+ at SCN-. Salamat sa iyo *toot* pero ayoko pa rin sa iyo. Nakakainis ka kasi! Hahaha.

Anyway, moving on. Last tuesday (ata), binigay na iyong second long exam namin sa Bio11. Thank God I passed! Hahaha. At last tuesday din nagkaroon ng sorta 'reunion' ng mga Setonians sa CASAA. Ako, si Alyanna, at si Ate Joanna. Tapos nung papunta na ako sa CNB at si Ate Joanna sa Art Stud class niya, nakasalubong namin si Ate Anna (sp?).

Pero medyo depressed pa rin ako dahil ineligible na akong maexempt sa finals ng Bio dahil sa stupid 2nd Lab Exam. Buti na lang sinabi ni Ate Joanna na madali lang daw ang finals at malaki ang itinaas ng grade niya. :D

Came thursday. Nako may exams kami noon sa Bio11 lab pero by pair! That day din mismo ako nag-aral kasi di ko naaral iyong ginawa kong reviewer tungkol sa origin, insertion, at action ng muscles ng frog nung wednesday night dahil sobrang nahihilo na ako. Awa ng Diyos mataas ang nakuha namin ni Kim! The spirit of cramming nga naman. It never fails me (applicable only in objective types of exams).

Tapos may mga nalaman pa ako this week tungkol sa ibang tao at nawindang ako ng bonggang-bongga to the nth level! Hahaha.

Anyway, isha-share ko sa inyo ang LSS ko:


Two Less Lonely People - Air Supply


10:25:00 AM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~