20.8.08
Suspension of Classes

elementary and HS = 'yes! suspended!' sabay cheer ng 'suspended! suspended!'

college - 'suspended ba?' 'oo raw eh' 'ahh..' 'naku patay nanaman sa commute nito!!'

diba mas masarap na suspended ang classes sa college kasi walang klase na malupet? pero sa akin hindi. i'll state the reasons WHY.

1. walang school bus na ready na ready na susundo sa iyo from school. dati mag-aantay ka lang kina kuya or ate, mom or dad na sunduin ka from school kasi suspended. ngayon iba na! kanya-kanyang alis iyan. pahirapan pa sa pagsakay sa jeep! kung dati sasabihin nila kuya 'oh second trip ka kasi puno'. ngayon walang ganoon. kahit gano ka kalapit or kalayo, depende pa rin sa availability ng jeepneys kung anong oras ka makakauwi or hindi. in short, una-unahan lang iyan!

2. kapag HS or elem ka, umulan lang ng kaunti, wala nang pasok. at saka malalaman mo na walang pasok kahit hindi ka pumasok sa school [that is kung school bus rider ka]. ngayon, kahit san ka man galing, ikaw mismo ang pupunta sa school para pumasok at malalaman mo na lang in the middle of the class na walang pasok for that day. [anyway, nangyayari rin naman iyong noong elem at HS pero mas mahirap pa rin ngayon. refer to number 1.]

3. kapag suspended ang classes noong HS at elem, masarap matulog afterwards. kahit ngayon naman eh, masarap matulog. PROBLEMA, marami ka pang gagawin. T_T. katulad na lang ng POST-LAB, DATA SHEET, at pag-aalala sa MIDTERMS mo.

4. isisingit ko na rin, speaking of MIDTERMS, kung noon sa BIOLOGY ko 35/100 ako.. ngayon iyong score na iyon, hindi ko matanggap. ang crap noh! ano nang nangyari sa optimism ko?! T_T

5. dahil SUSPENDED ang class ngayon, WALA LANG. gagawa pa ako ng post-lab at data sheet for CHEM16 lab. sana lang talaga walang pasok bukas.


KUNG MAGULO ITONG BLOG POST, ISISI SA POST-LAB. LOL.

Labels: , ,

5:22:00 PM
0 unseen truths

~x~ "Speak in Tagalog. You're in the Philippines."~x~